Quantcast
Channel: Mataba Ako!
Viewing all 304 articles
Browse latest View live

Exercise Ball-Nakatutulong na Mawala ang Bilbil mula sa Pagbubuntis

$
0
0

Pagkatapos manganak, gusto mong mawala ang iyong bilbil na nkuha mo sa pagbubuntis. Matapos gumaling sa panganganak, ang pangunahing nasa isip mo ay kung paano maibabalik ang dating katawan bago pa man mabuntis. Pero maaari mong mabawasan ang timbang na nakuha mo sa pagbubuntis kung susundin mo ang mga sumusunod na simpleng plano. Ang mga gabay na ito ay kinakailangang gamitan ng exercise ball, high intensity cardio at pinagbuting programa sa pagdidiyeta. Sa loob lamang ng dalawang linggo maari nang mabawasan ang bilbil na nakuha mo sa iyong panganganak.

Paano mawala ang bilbil?

Una sa lahat, sa pagbabawas ng bilbil, kailangan mong bumili ng exercise ball. Nagkakahalaga ito ng humigit kumulang sa P2,000 sa mga sporting goods store. Karamihan sa mga babae ay gugustuhin ang 22 pulgadang bola. At kung ikaw ay may taas na 5’1, bilhin ang bolang may 18 pulgada ang sukat at kung may taas ka naman na 5’8, mas bagay sa’yo ang 26 na pulgada ang laki. May mga pag-aaral mula sa Sacramento State University na nagpapakita na ang mga taong gumagamit ng exercise ball ay nakakalikha ng dobleng paghubog ng kalamnan kaysa sa normal na pagbabaluktot ng katawan. Kung makikita mo, mas mapabibilis nito ang pagtanggal ng bilbil mo, kaya gugustuhin mong magkaroon nito.

Napakaraming mga pamamaraan ng pag eehersisyo na ginagamitan ng exercise ball, pero may ilan sa mga ito ang ibabahagi ko sa higit na makakatulong sa pagtatanggal ng bilbil. Ang una ay pabaliktad na pagbaluktot ng katawan. Habang nakahiga, ipitin ang bola sa pagitan ng iyong mga binti at buhatin ito ng 3 hanggang 6 na pulgada ang taas mula sa sahig. Panatilihing nakataas sa loob ng isang segundo, ibaba at muling itaas. Ang pangalawa ay ang rock and roll. Lumuhod ka at ilagay ang siko sa bola. Iangat ang iyong katawan hanggang sa nakatingkayad kana ng 45 degrees sa mula sa sahig. Panatilihin ang ganitong posisyon, mag-relaks, at ulitin.

Ang cardio ay importante rin sa planong ito. Subukang isagawa ang 45 minutong ehersisyong makakabuti para sa puso tatlong beses sa isang linggo sa pagtatanggal ng bilbil. Maari kang maglakad, tumakbo, magbisekleta, o gumamit ng cardio machine sa gym. At ang huling paraan ay ang pagpapanatili na tama ang iyong pagkain. Subukang kumain ng 500 na kaloriya higit na mas mababa kaysa sa kinakailangan mo para mapanatili ang iyong timbang. Halimbawa, ang isang 5’1 na 28 anyos na may bigat na 140 lbs. na babae ay nangangailangan ng 2400 na kaloriya para mapanatili ang kanyang timbang. Kinakailangan lamang niya ay 1900 na kaloriya sa loob ng dalawang linggo sa pagsasagawa ng programang ito.

Ang paghahanap ng mga paraan upang mabawasan ang kaloriya sa loob ng maikling panahon ay lubos na napakadali kaysa sa naiisip mo. Halimbawa, sa pag-gawa ng latte na may skim kaysa sa isang purong gatas ay makakaiwas sa 120 na kaloriya. Mabubuhay ka na sa ganyan sa loob ng dalawang linggo, hindi ba? Ang ilan pang pagpapalit ay ang pagkain ng popcorn kaysa potato chips (makakaiwas sa 95 na kaloriya) at pagpapalit sa isang tasang hiniwang strawberries at isang tasang fat free vanilla yogurt sa iyong tradisyonal na fruit on the bottom yogurt cup (makakaiwas sa 105 na kaloriya). Gawin ang 4 o 5 mga  pamalit na ito kada araw at ikaw ay patungo na sa ninanais mong pagkawala ng iyong bilbil.

Kapag may bagong silang na sanggol sa bahay, Mahihirapan kang makakuha ng oras upang makahanap ng ehersisyo at programang pangdiyeta na naayon sa para sa iyo. Ngunit, kung gusto mo talagang mawala ang bilbil mo dahil sa panganganak, maaari mong sundin ang mga rutinang ito at maibabalik ang dati mong katawan sa loob lamang ng dalawang linggo.

The post Exercise Ball-Nakatutulong na Mawala ang Bilbil mula sa Pagbubuntis first appeared on Mataba Ako!.


Pagbili ng mga Kagamitang pang Ehersisyo

$
0
0

Ang mga kagamitang pang ehersisyo na pang bahay ay nagbibigay sa’yo ng pagkakataon na makapagehersisyo ng pribado sa anumang oras mong gustuhin.

Para sa iba, ito ay susi sa pag- eehersisyong nababagay sa pangaraw-araw. Maraming Gym na bukas ang ‘di naaayon sa oras ng iba at madalas hindi na sila nakakapunta dahil sa  trabaho. Ang pagkakaroon ng kagamitang pang-ehersisyo sa bahay ay  maganda dahil maari mo itong magamit sa oras na gustuhin mo at mapanatili  ang magandang pangangatawan sa araw-araw.

Karamihan sa mga pangehersisyong ito ay alternatibong gamit para sa mga araw na hindi ka makalabas upang makapagehersisyo. Kung ikaw ay jogger at maulan sa labas, maari itong maging dahilan ihinto ang pagtakbo sa araw na iyon. Dahil sa paghinto maaring magpatuloy ito sa isa pang araw at sa mga susunod pa hangang mamalayan mo na lamang na nakalipas na pala ang isang buwan. Sa pagkakaroon ng treadmill sa bahay ay mawawala ang dahilan mong lumiban sa pagtakbo kahit masama ang panahon.

Ang gym ay isang magandang lugar para magehersisyo, pero may mga pagkakataong marami ang tao at mahirap makagamit ng gamit pangehersisyo na gusto mo. Ang mga kagamitang pangehirsisyong pangbahay ay nakakatulong din sayo para iwasan ang mga gulo sa loob ng gym. At mas pribado ito kaysa sa gym. Kung ikaw ay baguhan lamang sa pageehersisiyo, ang huling bagay na gagawin mo ay maipakita na hindi maganda ang iyong pangagatawan sa isang lugar na puno ng tao.Ang pag eehersisyo sa bahay ay nakakatulong upang mapanatili mo ang iyong dignidad sa sarili at  kung saan namamasdan mo ang pagbabago sa iyong sarili na hindi nahahatulan ng iba.

Pumili ng kagamitang pang ehersisyo na tiyak na gagamitin mo. Marami kasing mga tao na bumibili nito na may magandang intensyon pero sa loob ng ilang linggo ay hindi na gagamitin. Kaylangan patuloy mong gamitin ang gamit kung gusto mo itong umipekto sa’yo.

Ang gym sa bahay ay mas tipid kaysa sa pagpapamiyembro sa isang gym. Ang pagbili ng gamit pang ehersisyo ay minsan lang, subalit ang bayad sa pagpapamiyembro sa isang gym ay madalas. Kung may pera ka, ang presyo ng isang gamit pang ehersisyo ay magandang puhunan kaysa sa pagpapamiyembro sa gym.
Maaaring pagisipan muna ang pagpili sa bibilhing gamit na pangehersisyo na gagamitin mo sa loob ng mahabang  panahon.

Huwag mong gawing sampayan ang iyong gamit pang ehersisyo sa panahong maaari mo nang makamit ang katawang gusto mo. Maari kanang pumili ng oras ng pag-ehersisyo na makakabuti para sa’yo at sa oras na ikaw ay may trabaho. At maging ang pamilya mo ay maaring gamitin ito, kung saan makakatipid ka ng husto.

The post Pagbili ng mga Kagamitang pang Ehersisyo first appeared on Mataba Ako!.

Wastong Nutrisyon – Dapat Pahalagahan para sa Kaunlaran ng Bayan

$
0
0

Maraming pag-aaral naisagawa na nagtuturo ng koneksyon ng nutrisyon sa pagunlad ng bayad. Ayon sa sekulo ng nutrisyon at pagunlad ang batang malnoris ay madalas nagkakasakit, kapag ang bata ay lagging nagkakasakit malaki ang posibilidad na tumigil ito sa pagaaral o kaya naman ay lumagpak hangang sa mapagod siya sa pagaaral, kapag ang malnoris na bata ay tumigil na sa pagaaral mahihirapan siyang makahanap ng trabaho na may magandang sweldo, kapag kokunti lang ang sweldo ng trabahador mahihirapan siyang bumili ng pagkain, gamot at tirahan, ang eksenang ito ang siya ring magiging sanhi ng pagiging malnoris ng kanayang mga anak at duon iikot ang sekulo hangang sa ang mga batang malnoris ay mamamatay dahil sa gutom at madalas na pagkakasakit. Kung maraming taong nagugutom sa bansang ito, malaki ang posibilidad na lalong lumala ang ekonomiya ng bansa. Walang tao makakabili ng pagkain kaya baba ang demand sa pagkain , wala ng makakapag trabaho ng maayos kaya baba rin ang supply ng mga pagkain, at kapag pareho ng bumaba an gang dalawang ito lalong baba ang ekonomiya ng bansa.

Ano nga ba ang wastong nutrisyon?

Marami sa ating mga Pilipino ang naniniwala kung gaano kahalaga ang nutrisyon sa ating kalusugan ngunit naiintindihan nga ba talaga natin ang ibig nitong sabihin? Masasabi mo ba sa sarili mo na “malusog ako, makakaya kong gawin ang kahit ano” o kaya naman ay “masaya ako sa pangangatawan ko”? ang wastong nutrisyon ay ang tanging paraan upang ang mga ito ay ating makamtan.

Ang wastong nutrition ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng pagkain upang makakuha ng sustansya ang ating katawan mulang sa mga ito. Ang sustansyang makukuha ay siyang gagamitin ng ating katawan upang tayo ay maging malusog, malayo sa sakit, na sa tamang timbang, at higit sa lahat nabubuhay ng masaya at masagana. ang hindi pagsunod sa wastong nutrisyon ay siyang magiging sanhi ng malnutrisyon.

Maraming klasi ng malnutrisyon, ito ay ang mga epekto ng mali sukat at uri ng pagkaing kinakain ito ay mula sa salitang “mal” ibig sabihin ay mali at “nutrition” ibig sabihin ay sustansya mula sa pagkain, sa madaling salita ito ay ang kabalikataran ng wastong nutrisyon. Ang mga nangunguna sa mga ito ay ang pagiging mapayat dahil sa kakulangan sa pagkain, kulang sa bitamina at mineral dahil sa pagkain ng paulit-ulit ng isang pagkain na siyang dahilan kaya hindi na kumakain ng ibang pagkain, at ang umaapekto sa mga nakararami ay ang pagiging mataba na siyang resulta ng pagkain ng sobra sobrang pagkain. Lahat ng ito ay may masamang epekto sa katawan kaya dapat nating iwasan. Lagging isipin ang wastong nutrisyo ay may malaking epekto sa kalusogan at siyang susi sa kaunlaran.

Ang pagiging payat ay maaring maging dahilan upang ang isang tao ay maging sakitin at madaling namamatay itoy ay dahil sa pagbagsak ng depensa ng kanyang katawan laban sa mga mikrobyong nagdadala ng sakit. Kung ang tao ay kumakain ng sapat para sa kanya taas at edad siya ay magiging malusog, malayo sa sakit, at magkakaruon ng kompyasan sa sarili na siyang magpapagaan ng kanyang buhay.

Ang kakulangan sa bitamina ay may malaking epekto sa ating pang labas na anyo, ang taong hindi nakakakuha ng sapat na bitamina A ay maaring mabulag at magkaruon ng komplekasyon sa kanyang balat. Ito ay ilan lamag sa kumplikasyon dahil sa kakulangan ng bitamina A na siya isa ring resulta ng mal nutritisyon o kaya ay an gang hindi pagkain ng sapat.

Ang kakulangan naman sa mineral tulad ng iodine ay siyang sanhi ng paglaki ng “thyroid gland” sa liig na tinatawag na goiter. Ang kakulangan naman sa mineral na Iro o yero ang siyang dahilan ng paghina ng katawan, pamumutla at kakulangan sa hangin sa katawan. Ang mga mineral ay mga kanya kanyang trabaho saluob ng katwan kaya dapat nating makuha sa tamang dami sa pamamagitan ng pagkain ng tama at sapat.

Kung ang kakulangan sa pagkain ay nakakasama sa katawan ang pagkain naman ng sobra ay hindi rin nakakabuti. Ang pagiging mataba ay ang madalas na dahilan kaya nagkakadyabetes, altapresyon, at kung anu-anong komplekasyon sa isang tao kaya dapat ring iwasan. Ito an gang epekto ng hindi pagkain ng tama hindi pagsunod sa wastong nutrisyon, o kaya ay ang pagkain ng sobra sobra sa kinakailangan ng katawan.

Upang ang mga ito ay maiwasan kinakailangan nating kumain ng tama at sapat ng makuha lahat ng kinakailangang sustansya, kumain ng prutas at gulay tatlo hangang limang beses sa isang araw upang maiwasan ang mga sakit sa bituka, uminom ng gatas para tumibay ang ating mga buto, at mag ehersisyo tatlongpung minuto araw-araw para maging malakas at masigla ang ating pangangatawan. Ito ay ilan lamang sa mga bagay na kailangan nating malaman tungkol sa wastong nutrisyon, mga simpleng bagay na kahit gaano ka simple ay palaging nalilimutan.

Kung ang lahat ng tao ay may alam tungkol sa wastong nutrisyon at ito ay ginagamit sa pang araw-araw na buhay lahat tayo ay magiging malusog at masigla. Ayong sa sekulo ng nutrisyon at pag unlad kapag an gang bata ay malnoris ito ay magiging dahilan ng kanyang pagbagsak sa kahirapan, kung lahat ng tao ay malusog ang sikulo ay magiging baliktad, ang batang malusog ay makapasok sa paaralan ay matututo ng maraming aral, kapag siya ay makapagtapus ay makakita ng magandang trabaho, kapag may magandang trabaho siya ay makabili ng sapat na pagkain, kapag sapag ang pagkain siya ang magkakaruon ng mga malusog na anak, at kapag mas lalong umikot ang sekulo ay siyang pagulad ng bansa.

Kaya dapat nating tandaan ang wastong nutrisyon ay hindi lamang umaapekto sa ating sariling kalusogan ito ay umaapekto rin sa kalusogan n gating mga anak at ng hiong pamilya. Ang wastong nutrisyon ay kinakailangan rin upang tayo ay makapag trabaho ng maayos at nakakapagisip ng tama para sa ikabubuti ng lahat. Sa pamamgitan ng wastong nutrisyon tinutulongan natin hindi lang an gating mga sarili kundi ang buong bansa.

The post Wastong Nutrisyon – Dapat Pahalagahan para sa Kaunlaran ng Bayan first appeared on Mataba Ako!.

Paano Bumaba ang Timbang ng Walang Ehersisyo

$
0
0

Sa panahon ngayon, ang oras ay para bang lagi nang kulang. Normal na sa mga Pilipino ang pagiging abala sa maraming bagay, bata man o matanda. Kaya naman, ang gusto ng bawat isa ay makatipid sa oras at makagawa ng maraming bagay sa oras na meron sya. Pati yata ang ehersisyo ay hindi na nabibigyang pansin o importansya. Kaya naman, mabuting balita para kaninuman ang malaman na may paraan kung paano bumaba ang timbang ng walang ehersisyo na pagpaplanuhan. Sumusunod ay 20 paraan:

1. Iwasan ang pagkain ng mga fastfood items.

Bawasan ang pagbisita sa Jollibee o McDonalds. Karamihan sa menu nila ay mabigat sa kaloriya. Ang araw-araw na pagkonsumo nito ay tiyak na makakapabigat ng iyong timbang.

2. Huwag nang bumili ng softdrinks o Iced Tea.

Normal na sa Pinoy ang pumunta sa “sari-sari store” para bumili ng sopdrinks. Kahit saang kanto yata ay may isa o mas marami pa, na tindahan. Madaming kaloriya ang nilalaman ng isang bote ng sopdrinks. Kaya, iwasan mo na ang pagbili nito. Kapag nasa restawran naman, normal nang kasama ng mga “budget meals” o “combo meals” ang iced tea. Umorder na lang ng “solo meals” at humingi ng tubig.

3. Umiwas sa mga piniritong pagkain.

Mahilig ang mga Filipino sa piniritong pagkain. Marami sa putaheng Pinoy ay piniprito sa mantika. Sikat ang mga bansa sa South East Asia sa “street food” na tinatawag at ito ay madalas na pinipiling meryenda kada hapon. Mga fish ball, squid ball, mani, French fries, cheese sticks; ito ay mabigat sa kaloriya ngunit napakaunti ng enerhiya na binibigay sa atin. Sa pahayag ng American Journal of Clinical Nutrition, 10,881 na lalaki at 19,167 na babaeng Espanyol ang sinuri at nakita na ang madalas na pagkain ng mga pinirito ay nakakapalala ng katabaan.

4. Gumamit ng bisikleta.

Sikat na ngayon ang mga bisikleta; ang daming tao ang nahihilig sa cycling. Ang kagandahan nito, may mga lumalabas nang murang klase ng mga bisikleta. Pag-ipunan ito dahil hindi masasayang ang pera mo. Malaki ang naidudulot nito para sa kalusugan. Iwasan na ang traysikel, lalo na kung malapit lang ang pupuntahan. Sa halip, magbisikleta papunta roon. Marami ka ring kaloriya at taba na matutunaw.

5. Iwasan na ang mga kendi at keyk.

Ang sobrang matatamis na mga pagkain ay nakakadagdag ng malaki sa timbang. Bukod dito, tumataas ang tsansa mo na magkaroon ng Diabetes. Nagdudulot din ng matinding sakit ng ulo ang sobrang asukal sa katawan at nakakadagdag sa pakiramdam ng panlalata.

6. Pumara ng malayo sa paradahan.

Para sa taong may sasakyan, mas kaunti lang ang panahon para makabawas ng timbang. Kaya, ugaliing pumara sa malayong bahagi ng paradahan o papasok ng mall o establisyamentong papasukin. Ang gawaing ito ay makakatulong na paraan kung paano bumaba ang timbang.

7. Nguyaing mabuti ang mga kinakain.

Ugaliing nguyaing mabuti ang bawat pagkain na kinokonsumo kada oras ng pagkain. Mas madaling matunaw ng katawan ang mga pagkain at mas epektibo ang pag-absorb ng sustansya para gamiting enerhiya sa mga gawain.

8. Mas damihan ang pagkain ng protina kaysa sa carbohydrate.

Ang protina gaya ng laman ng manok, isda, baboy, at itlog, ay magandang pagkunan ng protina. Damihan ito at sa bawat subo, bawasan ang pagkutsara ng kanin. Malaking bagay ito sa ikakasigurado ng pagbaba ng timbang mo. Kung ikaw ay nasa labas naman, huwag ka nang humingi pa ng ekstrang kanin.

9. Huwag kumain habang may hawak na gadyet.

Kadalasan, hindi mo nababantayan ang dami ng nakakain kung may kaharap kang gadyet sa hapag-kainan. Ituon muna ang atensyon sa iyong pagkain upang masuring mabuti ang dami at klase ng pagkain na kinokonsumo mo sa oras ng kain.

10. Limitahan ang pagbili mula sa groserya sa isang linggo.

Kung hirap ka sa pagdisiplina ng sarili sa pagkain, iwasang mag-imbak ng maraming pagkain sa ref o sa mga plastik na lalagyan. Bumili lang ng katamtamang dami ng pagkain at “snack food” kada linggo, upang maiwasan ang pagkain ng sobra-sobra sa bawat araw na lumilipas.

11. Iwasan ang paggamit ng elebaytor.

Imbes na makipila pa sa paggamit ng elebaytor, gamitin na lang ang hagdan. Ito ay magbibigay dagdag sa oras na ginugugol mo para sa pisikal na aktibidad. Malaking bagay ang naitutulong nito bilang paraan kung paano bumaba ang timbang.

12. Kumain ng sapat.

Siguraduhing sapat ang kain mo sa pinakaimportanteng oras ng bawat araw. Ang agahan ay napakahalaga, ito ang nagtutustos ng pangunahing enerhiya na gagamitin mo para sa buong araw. Tiyaking kumain sa bawat umaga, kahit gahol ka sa oras.

13. Tumigil sa madalasang pagtitimbang.

Ang pagtimbang ng isang beses sa isang linggo ay sapat na. Kadalasan, napapakain ka ng mas madami kapag natutuklasan mo na nakapagbawas ka na ng timbang. Gawing lingguhan ang pagtimbang at panatiliin ang ugaling matiyaga sa pag-abot ng mga layunin sa pagbawas ng timbang.

14. Kumain ng mani.

Nakakatulong ang mani sa pagtustos ng enerhiya. Ayon din sa mga eksperto, nakakatulong ito sa pagpapaliit ng bilbil sa tiyan.

15. Uminom ng Ginseng.

Ang pag-inom ng ginseng ay nakakatulong sa pag-angat ng enerhiya mo. Mas maganda ang kilos ng isip at katawan kapag hindi pagod. Nakakatulong din ito sa pag-kontrol ng kain. Mas tumatagal ka bago humanap ng makakain. Sa isang pag-aaral na inaprubahan ng Institutional Review Board of Dongguk University Ilsan Hospital sa Korea, ang pagsama ng Ginseng sa pang-arawang diet ay nagpababa ng timbang para sa ilang babaeng sumali sa pag-aaral na ito. Ang mga edad nila ay mula 40 hanggang 60 na taong gulang, at sila lahat ay may kondisyon ng sobrang katabaan.

16. Sikipan ng konti ang belt o pagkakatali ng pang-ibabang kasuotan.

Malaki ang naitutulong ng pagsikip ng kasuotan sa pangkaisipan ng taong lumalayon na magbawas ng timbang. Nagiging mas alerto siya sa dami ng nakakain niya. Tumutulong ang pakiramdam na ito upang pigilan niya ang sarili sa pagkain ng sobra.

17. Kumain ng maanghang.

Malaki ang naitutulong ng pagkain ng maanghanng bilang sagot sa kung paano bumaba ang timbang kahit walang ehersisyo. Mas nagiging epektibo ang pagtunaw ng taba at kaloriya na nakukuha ng katawan buhat sa pagkain. Nakakatulong din ito sa paglabas ng pawis. Maganda sa kalusugan at sa pagbawas ng timbang ang pagpapawis. Nakakatulong ito sa paglinis ng katawan mula sa mga toxin na nakukuha sa kapaligiran at sa mga pagkain na kinokonsumo araw-araw.

18. Bawasan ang pagkonsumo ng asin.

Asinan lang ng katamtaman ang mga kinakain dahil ang sobrang gamit ng asin ay nakakadagdag sa timbang. Nakakadagdag kasi siya sa pag-ipon ng tubig sa katawan.

19. Limitahan ang klase ng putahe.

Kadalasan, kahit untian mo man ang kuha ng kanin, ang hirap magpigil kung maraming klaseng putahe ang nakahain . Ang pinakamagandang gawing pagpili ay isang ulam na karne o katumbas, tsaka gulay.

20. Ugaliin ang pag-inom ng herbal na tsaa.

Mas nakakatulong ang paginom ng herbal na tsaa sa araw-araw. Mas napapabilis ang pagtunaw ng pagkain at ang pagdumi ay mas nagiging madalas. Ito ay malaking tulong sa pagbaba ng timbang.

The post Paano Bumaba ang Timbang ng Walang Ehersisyo first appeared on Mataba Ako!.

Paano Tumaba: Mga Kasagutan Sa Problema Ng Mga Patpatin

$
0
0

Nahihirapan ka bang magdagdag ng timbang? Kung gayon, baka kinaiinggitan ka ng iyong mga kapamilya at kapitbahay. Yun bang kahit gaaano karami ang kainin mong kanin at karne, hindi ito nakaapekto sa timbang mo.

Bakit kailangang tumaba?

Ano ba ang masama sa pagiging patpatin, o mga tao na hindi tumataba? Hindi ba’t mas mainam na ito kaysa sa pagiging ubod ng taba? Ang katotohanan ay may mga seryosong problema ding dala ang pagiging patpatin.

Ang mga taong sobra ang kapayatan ay may mas mahinang immune system, na ginagawa silang mas nakahantad sa mga impeksyon, mga komplikasyon na dala ng operasyon at mas matagal na panahon para makabawi galing sa pagkakasakit. Sila ang mga tao na may mas kaunting dami ng kalamnan, manipis na buhok, ngipin at balat. Maaaring ang mga taong hindi tumataba ay may dinaranas na mga problema sa hormones na nagpoprotekta sa mga buto. Sa mga babae, ang pagiging sobrang payat ay maaaring maging dahilan ng irregular na buwanang dalaw.

Ang lahat ng mga ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malusog na timbang, isang bagay na nagkakaiba-iba sa bawat indibidwal.

Sinasabi ng mga doktor na eksperto sa timbang at pagdidiyeta na may simpleng batayan para alamin kung ikaw ay may malusog na timbang. Ang mga babae ay dapat na tumitimbang ng 106 libra (pounds) sa unang limang talampakan at dagdag na limang libra sa bawat karagdagang pulgada. Ang mga lalaki naman ay dapat na tumitimbang ng 106 libra sa unang limang talampakan at dagdag na anim na libra sa bawat karagdagang pulgada.

Ang isa pang batayan ng malusog na timbang ay ang tinatawag na body mass index o BMI. Ito ay isang sistema ng pagtukoy ng laki ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang taas at timbang. Sinasabi ng mga dalubhasa sa kalusugan na ang mga tao na may normal na bigat ay may BMI na 18.5 hanggang 24.9. Ang anumang BMI na mas mababa sa nabanggit ay kulang sa timbang, 25 – 29.9 ay sobra sa timabang, ang BMI na 30 mahigit ay sobrang katabaan.

Pag-usapan natin ang praktikal na mga hakabang kung paano tumaba.

Mga dahilan ng sobrang kapayatan

May mga dahilan kung bakit nahihirapan ang isang tao na magdagdag ng timbang. Ang mga genes na namana natin sa ating mga magulang ay isa sa pangunahing salik, subalit ang pagkatao ng indibidwal at ang kanyang kapaligiran ay may malaking papel kung bakit nahihirapan kang tumaba.

Ayon sa mga doktor, baka iniisip ng ilan na sila ay may mabilis na metabolismo kaya hindi sila tumataba. Maaring dahilan iyan subalit hindi palaging ganyan ang kalagayan. Baka mas aktibo lang sila kumpara sa ibang tao. Halimbawa, may mga tao na kinagawian nang maglakad lakad, na sumusunog ng higit na kaloriya kumpara sa kinakain niya. Baka ikaw ang palaging unang nagkukusang loob na maglipit ng mga kalat o gumawa ng gawaing bahay, baka lakad ka nang lakad o mahilig kang magbabad sa mga laro. Ang ganitong antas ng pisikal na mga aktibidad ay hindi naman masama, subalit ang pagkakaalam na ito ay nakakaapekto saiyong pagsusumikap na tumaba ay siyang susi para matupad moa ng iyong layunin na magdagdag ng timbang.

May iba pang dahilan kung bakit bigla na lamang nawala ang iyong gana sa pagkain, pagbabago ng iyong metabolism, o biglaang pagbawas ng timbang.

  • Pagkakaroon ng karamdaman
  • Hindi mawala-walang sakit
  • Depresyon
  • Stress
  • Side effect ng iniinom na gamot

Sa mga bata, ang kawalan ng kakayahang magdagdag ng timbang ay maaaring dulot ng isang kundisyon na kung tawagin ay failure to thrive na nangangahulugan na ang iyong anak ay may timbang na kulang para sa kanyang edad. Ito ay maaaring bunga ng karamdaman o malnutrisyon dahil sa kakulangan ng kaalaman ng nangangalaga sa kanya. May mga magulang na istrikto sa pagkain tulad ng mga vegetarian, na nagiging dahilan ng hindi sapat ng nutrisyon ng mga bata.

Paano tumaba: Siguraduhin ang malusog na pagdagdag o pagbawas ng timbang

Anuman ang pinaghihinalaan mong dahilan ng iyong pagiging kulang sa timbang, mahalaga na isangguni ito sa doktor, kahit pa masaya ang iba sa pagkakaroon ng pagkakaroon ng payat na pangangatawan.

Kung ikaw ay nababawasan ng timbang subalit wala ka namang ginagawang mga pamamaraan para pumayat, dapat mo itong ipakipagusap sa doktor dahil hindi ito normal. Ang biglaang pagbawas ng timbang ay maaaring sintomas ng isang sakit o diabetes.

Ang pagkain ng kahit ano na lamang ay maaaring makasama – kahit ang mga tao na nahihirapang magdagdag ng timbang ay dapat na magingat sa pagkain ng sobrang tamis at taba. Ang di pinagisipang mga pagkain ay maaaring mauwi sa mga sakit na tulad ng sakit sa puso, stroke at cancer. Isa pa, ang mga tao na kumakain ng kahit ano para magdagdag ng timbang ay maaaring makaipon ng maraming taba sa katawan. Kaya mapanatili ang magandang pangangatawan, kailangan mong kumain ng malulusog na pagkain kasabay ng regular na pagiihersisyo. Ang pagiihersisyo ay makakatulong na matunaw ang extrang taba sa katawan kaya ikaw ay magdaragdag ng timbang dahil sa mas makapal na kalamnan hindi ng makapal na taba. Tandaan lamang na ang pagdadagdag ng timbang ay nangangailangan ng disiplina at pasensya kung paanong ito ay kailangan para magbawas ng timbang.

Paano tumaba o magdagdag ng timbang?

Kumain ng balanseng dami ng protina, carbohydrates at tamang uri ng fats, 60% -70% ng cabohydrates, 10% – 15% protina at sapat na dami ng fats.

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa kaloriya, bitamina at mga mineral kaysa sa kumain ng maraming taba o asukal.

Napatunayan ng nakapagpapadagdag ng timbang ang pagkain ng nilagang itlog, patatas, keso at gatas.

Kung ikaw ay mabilis na mabusog, subukang kumain ng mga pagkaing mas mataas sa kaloriya. Iwasan ang paginom ng marami kalahating oras bago o pagkatapos kumain.

Subukan ding uminom ng inuming may alcohol tulad ng wine o beer bago kumain dahil ito ay napatunayang nagpapalakas ng gana sa pagkain. Sumangguni muna sa doktor bago uminom ng alak, tandaan na ang sobrang alcohol sa katawan ay nakasasama lalo na kung ikaw ay may iniinom na gamot.

Paano tumaba sa pamamagitan ng pagkain? Ang katamtamang pagkain ng mani, abokado at matatabang isda tulad ng salmon o mackerel ay napatunayang nakapagdadagdag din ng timbang sa malusog na paraan.

Huwag kumain ng sobrang dami ng isahan, isaayos ang regular na pagkain ng meryenda. Kumain ng midnight snack bago tuluyang matulog. Nakapagdadagdag ng timbang ang pagkain ng peanut butter sandwich bago matulog.

The post Paano Tumaba: Mga Kasagutan Sa Problema Ng Mga Patpatin first appeared on Mataba Ako!.

Mga Pagkaing Pampataba: Ano Ba Ang Dapat Kainin Para Tumaba?

$
0
0

Sa lipunan ng taong masyadong nahuhumaling sa itsura at kisig ng pangangatawan, bibihira ang tao na gustong magpataba. Subalit kung ikaw isang taong patpatin, nakahit anong gawin para magdagdag ng timbang ay parang balewala, mahalaga ang mga imporamsyon tungkol sa kung paano ka pwedeng tumaba.

Pagkain ang naiisip mong solusyon hindi ba? Subalit anong mga pagkain ang dapat mong ihinahain para ikaw ay tumaba? Ayaw mo namang kumain ng lamang ng kahit ano sapagkat alam mong ang pagkain ng junk foods ay nakasasama rin sa kalusugan.

Kailangan mong maghanap ng pagkaing gusto mo o magugustuhan mo, kaya mong bilhin at hindi ka mahihirapang maghanap sa mga pamilihan.

Alam mo ba?

Alam mo bang ang isang katamtamang lalaki ay nangangailangan ng 2000 hanggang 3000 kaloriya araw araw? Ang mga babae naman ay nangangailangan ng 1600 hanggang 2400 kaloriya. Para tumaba, kailangan kumain ng mas marami rito, mga 500 sobrang kaloriya araw-araw!

Pag-uusapan natin ngayon ang mga pagkaing pampataba, o mga pagkaing magpapadagdag ng iyong timabang, na mura at madaling hanapin. Nandito rin ang praktikal na mga tips kung paano magpataba.

Kanin: Isang popular ngunit murang pagkaing pampataba

Sinong Pinoy ay hindi nakakaalam ng saltang ‘kanin’? Wala, diba? Ito’y sapagkat ang kanin ay ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Alam mo ba na ang kanin ay naglalaman ng napakadami at mataas na enerhiya? Ang 100 gramo ng kanin ay naglalaman ng 130 kaloriya. Bukod sa ito’y hindi mahal, madali itong hanapin sapagkat araw-araw natin itong kinakain.Ito ay mahusay na sagot sa tanong na “paano magpataba”.

Kumain ng kanin araw-araw. Kung kinakain mo ito mula pa pagkabata, dagdagan moa ng pagkain nito. Personal na karanasan ko po ito. Noong ako ay teenager pa lamang, ako po ay sobrang payat. May nakatatandang nagpapayo saakin na uminom daw ako ng multivitamins para tumaba. Hindi ko masunod ang payo nila sapagkat ang totoo, wala talaga kaming perang pambili ng vitamins. May nakapagsabi sa akin na ang solusyon sa problema ko ay ang pagdagdag ng kanin at konting exercise. Sinabi nya bukod sa kaning kinakain ko sa tanghalian at hapunan, magdagdag daw ako ng dalawang meryenda na kanin ang kinakain, isa sa umaga at isa sa hapon. Sinunod ko ang payo niya sapagkat parang makatuwiran naman ang sinasabi niya. Ang ulam ko, nilagang talbos ng kangkong o kamote, basta makakain lang. Ang resulta? Isang linggo pa lang, nahahalata na ng mga taong malapit sa akin na may pagbabago. Dalawang linggo mataba na ako. Magmula noon, hanggang ngayon, 11 taon na ang nakalilipas, heto ako hindi na problema ang sobrang kapayatan.

Ang kanin ay sagana sa mga bitamina at mineral tulad ng thiamin at niacin kaya talagang masustansiya. Paalala lamang kaibigan: ang malabis na pagkain ng kanin ay bawal sa may sakit tulad ng highblood, sakit sa puso o diabetes. Sumangguni muna sa doktor bago ka kumain ng marami.

Peanut butter: masarap na pinagkukunan ng kaloriya at protina

Subukan mong magsaliksik tungkol sa mga pagkaing pampataba at baka masurpresa ka, lahat ng listang makikita mo sa internet ay nakalagay ang peanut butter bilang pagkaing pampataba. Bakit? Kasi epektibo itong magpataba.

Kung kakain ka ng peanut butter, ang apat na gramo nito ay naglalaman ng 90 kaloriya at at talong gramo ng carbohydrates sa bawat kutsara nito.

Ito ay naglalaman ng kaunting dami ng saturated fat kaya huwag magpakalabis sa pagkain nito. Ang tamang dami ng peanut butter bilang pangdagdag sa mga pagkaing pampataba ay malusog at makapagpapasaya sa iyo.

Saging: Pagkaing puno ng kaloriya, kahit saan ka magpunta

Ang saging ay popular dito sa Pilipinas. Bukod sa ito ay mura, madali itong hanapin sa mga pamilihan. Karamihan sa mga Pinoy ay kumakain ng saging. Alam mob a na ang isang saging na katamtaman ang laki ay naglalaman ng 100 kaloriya? Ito rin ay may fibre at potassium na mahalagang bahagi ng rekomendadong diyeta para sa mga Pilipino.

Ang saging ay naglalaman ng maraming asukal, kaya maganda itong kainin matapos kang mag ehersisyo para sa dagliang pagbabalik ng mga enerhiya nawala saiyo. Kaya kung gusto mong magpataba, magbaon ka nang saging. Kahit saan, pwede kang kumain.

Tuna: Mayaman sa protina at malusog na taba

Ang tuna ay isang uri ng isda na may mataas na antas ng malusog na protina at naglalaman ng mahahalagang langis na kinakailangan ng iyong katawan para gumana ng maayos.

Madaling mahanap ang tuna dahil may mabibili ka na sa mga tindahan na de-latang tuna. Maaari mo itong ihalo sa napakaraming uri ng ulam kaya pwede mo itong maisingit sa mga kinakain mo araw-araw ng hindi ka nagsasawa.

Ang tuna ay sagana sa kaloriya at protina na kailangan mo para ikaw ay tumaba. Bukod sa itoy masustansya, ito ay mura at madaling hanapin, mahusay pa itong paraan kung paano magpataba.

Gatas: Uminom ng kaloriya para tumaba

Ang pag-inom ng gatas ay isa pa sa pinakamadaling napagkukunan ng protina at kaloriya. Ang isang baso nito ay naglalaman ng 150 kaloriya at walong gramo ng protina! Madali lang ang pagtimpla nang gatas bukod sa ito ay madaling hanapin at mura.

May mga taong lactose intolerant o sila yung mga tao na ang bituka ay ayaw sa protina na nasa gatas. Kung ikaw ay may lactose intolerance, maaari mong subukan ang pag-inom ng gatas na gawa sa soya o soya milk, na naglalaman ng 130 kaloriya, hindi gaanong malaki ang diperensiya sap ag-inom ng tunay na gatas.

Ang gatas ay naglalaman ng kaunting fat, subalit hindi naman ito nakasasama. Huwag ka lamang iinom ng isang gallon araw-araw. Isang baso o dalawa, ikaw lulusog at tataba!

Abocado: Kumain nito at magdagdag ng timbang

Ang abocado ay maaaring magbigay saiyo ng napakaraming kaloriya at fats. Bibigyan ka ng isang katamtamang abocado ng 320 kaloriya at 29 gramo ng fats. Mag-ingat ka lamang sa pagkain nito at baka mapasobra naman.

Itlog: Nakapagtataba ng mabilis

Ang itlog ay napakasustansiya, iyang dahilan kung bakit sikat ito bilang pagkain sa agahan. Nagbibigay ito ng mkinakailangang enerhiya at mga nutrients na kakailanganin mo sa maghapon.

Ang itlog ay magandang pagkaing pampataba. Bukod sa ito ay mura at madaling hanapin, ang pagkain ng itlog ay nagbibigay ng 75 kaloriya, 5 gramo ng fats at 6 gramo ng protina at bitaminang B-12.

Huwag ka lamang magpapasobra sa pagkain ng itlog dahil sagana din ito sa kolesterol na dahilan ng highblood.

Ngayong alam mo na kung paano magpataba…

Kaon na ta!

Tuna Avocado Brown Rice Bowl with Egg (top image) and Peanut Butter Banana Dessert

pagkaing pampataba

The post Mga Pagkaing Pampataba: Ano Ba Ang Dapat Kainin Para Tumaba? first appeared on Mataba Ako!.

Maging Mataba At Malusog: Mga Paraan Sa Malusog Na Pagdagdag Ng Timbang

$
0
0

Dahil marami sa mga adultong Pinoy ay sobra sa timbang, ang karamihan sa mga sistema ng pag didiyeta ay nakabase sa pagpapayat. Subalit sa katunayan, marami ding mga Pilipino ang gustong magdagdag ng timbang.

Nakasasama ang sobrang kapayatan

Ang pagiging patpatin ay problema din ng ilan. Ang mababang timbang ay kadalasang dahil sa genetics o namamanang mga katangian, mga karamdaman, iniinom na gamot o sakit sa pag-iisip. Kahit ano pa man ang mga dahilan ng iyong sobrang kapayatan, ito ay maaaring magdulot ng seryosong medikal na mga kalagayan tulad ng mga sumusunod:

  • Mahinang immune system, pagkahantad sa maraming uri ng sakit at impeksyon
  • Matagal na panahon bago makabawi sa pagkakasakit
  • Mas nahahantad sa mga komplikasyon na dala ng operasyon
  • Manipis na ngipin, buhok at balat
  • Mga problema sa buto
  • Hindi regular na buwanang dalaw

Sa nakaraang artikulong Paano Tumaba: Mga Kasagutan Sa Problema Ng Mga Patpatin, napag-usapan natin ang mga dapat mong gawin para ikaw ay makapagdagdag ng timbang at maiwasan ang sobra-sobrang kapayatan. Sa artikulong ito, gusto nating bigyan ng diin kung paano mo mapapanatili na malusog ang pagdaragdag mo ng timbang. May mga pagkakataon kasi na ang pagpapataba ay nauuwi sa labis na katabaan kung ito ay mapasobra. Karanasan po iyan ng inyong lingkod. Kaya simulan natin ang talakayan sa pag-iwas sa mga pagkaing hindi gaanong masustansiya.

Maging mataba at malusog: iwasan ang mga pagkaing pinagmumulan ng hindi malusog na taba

Upang maging mataba o magdagdag ng timbang nag mas mabilis, kainin mo ang mga pagkaing paborito mo! May mga pagkakataon kasi na ang malabis na kapayatan ay sanhi ng kawalan ng gana sa pagkain o kaya naman ikaw ay may eating disorder. Kung ganon, dapat mong piliin ang mga pagkaing mayaman sa calorie at alam mong paborito mong kainin. Halimbawa, kung ang pagkaing pampataba na nakahain sa mesa ay hindi mo masyadong gusto, ang pagkain ng hamburger ay hindi naman masama. Kun hindi mo gusto ang pagkain, maghanap ka ng gusto mo. Isa pa, makatutulong din ang paghain ng pagkain na mabango at maraming sangkap. Tutulong ito saiyo na magkaroon ng pagaasam sa pagkain.

Subalit tandaan mo ito: kailangan mong iwasan ang mga pagkaing pinagmumulan ng hindi malusog na taba para maiwasan ang di-makontrol na paglobo ng katawan. Kung pinagsusumikapan mong tumaba, baka matukso ka na kumain ng matatabang pagkain. Subalit, alalahanin mo na ang mga pagkaing matataba ay kadalang naproseso at naglalaman ng maraming unsaturated fats o transitive fats, mga uri ng taba na hindi agad natutunaw. Kapag ang ganitong uti ng taba ay maimbak saiyong katawan, maaari itong mauwi sa mga sakit tulad ng altapresyon, sakit sa puso, rayuma at artritis o sakit sa bato.

Ang mga naprosesong pagkain tulad ng hotdog, tocino, longganisa, sausages, bologna at mga processed meats ay kailangang iwasan kasama na ang mga de-lata. Iwasan mo rin ang mga pagkaing sobra sa tamis tulad ng cake, candy o mga pie. Bawasan mo rin ang pagbisita at pagkain sa mga fastfood tulad ng Jolibee at McDonalds. Ang sobrang pagkain ng mga pinirito ay nakasasama din.

Ang kaunting pagkain ng mga nabanggit natin ay hindi naman nakasasama. Ito ay magdudulot lamang ng problema kapag inisip mong magpakalabis dito para tumaba.

Ehersisyo para sa malusog na pagdagdag ng timbang

Para maging mataba at malusog, isama sa iyong pang araw-araw na schedule ang pagsasagawa ng aerobic exercise. Baka isipin mong nagkakamali ako sa pagrerekomenda ng pag-eehersisyo samantalang gusto mo ngang tumaba. Ngunit alam mo na ang aerobics ay nakakadagdag ng gana sa pagkain? Opo! At makatutulong pa ito sa pagpapalakas ng iyong puso at sa pagmamantina ng mga pangmatagalang sakit tulad ng high blood o diabetes. Magbibigay din ito ng sigla at lakas sa buong maghapon.

Anong mga ehersisyo ang pwede mong isagawa? Hindi kailangang maging sobrang nakakapagod ang ehersisyo. Ang simpleng jogging, mabilis na paglakad, pagbibisekleta, paglangoy o pagakyat – baba sa hagdan ay maituturing nang aerobics. Kailangan mong ma tantiya ang kaloriya na nawawala sa iyo sa pageehersisyo para makita mo kung nakakatalong na pagsabayin ang ehersisyo sa hangarin mong tumaba.

Kung ikaw ay regular sa ehersisyo mo ngunit para bang hindi ka naman tumataba o mas pumapayat ka pa nga, baka kailangan mo munang bawasan ang dalas at ang haba ng iyong aerobics para maging balance ito at maabot moa ng iyong tunguhing tumaba o bumigat.

Kung kaya ng iyong pangangatawan, ang mga ehersisyong nagpapalakas ng mga kalamnan ay direktang makatutulong saiyo na magdagdag ng timbang. Kung ang iyong mga taba sa katawan ay maging mga kalamnan, mapapansin mong mas bumibigat ka. Ang maganda pa, mapapanatili mo ang magandang hubog ng iyong katawan. Ito ay mahalaga kung gusto mong magdagdag ng bigat. Maraming mga tao ang hindi nakakaalam na ang ehersisyo pala ay nakatutulong magpadagdag ng timbang. Ang akala nila, ang ehersisyo ay para lamang sa mga matataba na gustong pumayat.

Anong mga ehersisyo ang maaari mong isagawa para mapalakas at kumapal ang iyong mga kalamnan? Pwede kang magbuhat ng barbels o dumbbells. Pwede rin ang push ups, curl ups at pagbabaras. Ang ganitong mga ehersisyo ay nakasusunog din ng kaloriya, hindi nga lang kasing dami ng nasusunog sa aerobics. Pero tandaan, ito ay maaari ding makapag pabagal ng iyong pagtaba kung hindi gagawin sa tamang paraan.

Kung may budget ka, mas magandang makipag-usap ka sa isang personal trainer, meron nito ang ilang mga gym na malapit sa iyong lugar. Ang pakikipag-usap sa trainer ay tutulong saiyo na maisaayos ang isang schedule ng pageehersisyo na akma sa personal na mga kalagayan mo. Ang gym instructor ay personal na magtuturo saiyo na isagawa ang mga ehersisyong ito para matulungan kang maging malusog habang ikaw ay nagdaragdag ng timbang. Kaya magtanong sa gym kung may instructor sila na pwedeng magturo saiyo. May mga gym na nag-oofer ng libreng kosultasyon sa uang pagbisita sa gym. Ipakipagusap mo sa instructor ang kagustuhan mong maging malusog at mataba o mabigat para alam niya kung anong mga ehersisyo ang bagay saiyo.

Ang pagiging sobrang taba o sobrang payat ay nakasasama. May mga paraang tutulong saiyo na maiwasan ang alin man sa dalawang ito. Kailangan mo lang ng tamang disiplina para maging malusog at mataba.

The post Maging Mataba At Malusog: Mga Paraan Sa Malusog Na Pagdagdag Ng Timbang first appeared on Mataba Ako!.

Alam Mo ba Kung Ano Ang Mga Masustansyang Pagkain?

$
0
0

Ang pagkain ng masusustansyang pagkain ay mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng maluog na pangangatawan. Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng tamang pagkain, mapananatili mo rin ang magandang pakiramdam.

Ang balanseng diyeta ay nangangahulugan ng pagkain ng iba’t ibang uri ng pagkain sa tamang dami. Sa pamamagitan nito mapananatili mo ang wastong timbang.

Grupo ng mga masusustansyang pagkain

Narito ang mga pagkaing hindi maaaring mawala sa hapag kainan:

  • Mga pagkaing mayaman sa starch o carbohydrates tulad ng kanin, patatas, tinapay at pasta
  • Gatas o produktong gawa sa gatas, pwede ang mga alternatibo tulad ng soya milk
  • Beans, isda, itlog, karne at iba pang protina
  • Piliin ang unsaturated oil kapag magluluto
  • Uminom ng maraming tubig

Kung ikaw mahilig sa mga pagkaing matataba, maalat o matatamis, kailangan mong bawasan ang dalas at dami ng pagkain ng mga ito sapagkat maaari itong makasira sa katawan mo.

Subukang pumili ng pagkaing pasok sa limang grupo na nabanggit. Karamihan sa mga tao sa Pilipinas ay kumakain ng napakaraming kaloriya, matatabang pagkain, maaalat at matatamis. Ang mga Pinoy hindi kumakain ng sapat na prutas, gulay, isda at fiber.

Tandaan na ang prutas at gulay ay pinanggagalingan ng bitamina at mineral kaya dapat ito ay ang bumubuo sa 1/3 ng lahat ng mga pagkaing ating kinakain araw araw.

May mga patunay na ang mga taong kumakain ng masusustansyang pagkain ay mas bihirang tamaan ng mga sakit sa dugo at puso tulad ng atake sa puso, stroke at ibang mga kanser.

Kumain ng prutas at gulay

Ang pagkain ng masusustansyang pagkain ay hindi naman mahirap gawin di tulad ng iniisip mo. Ang pagkain ng limang serving ng prutas at gulay araw araw ay epektibo para ikaw ay magkaroon ng magandang kalusugan. Tulad ng nasabi na, ang pagkain nito ay hindi naman mahirap. Halimbawa, pwede kang kumain ng isang malaking saking na 80 gramo bilang isang serving. Ang isang hiwa ng pinya ay isang serving. Ang tatlong kutsara ng gulay ay isang serving.

Ang pagkain ng hiniwang saging kasabay ng pagkain mo almusal ay isang paraan para makakain ka ng isang serving ng prutas ng halos hindi mo namamalayan. Pwede mo naman ipamalit ang isang pirasong ponkan sa meryenda mo. Sa pananghalian, kumain ka ng veggie salad. Sa gabi, maghain ka ng gulay bilang ulam. Ikaw na ang bahalang mag disisyon kung anong klaseng prutas o gulay ang iyong kakainin, basta ang mahalaga ay makakain ka ng limang serving nito araw araw.

Pagkaing carbohydrates

Tandaan na ang pagkaing mayaman sa starch o carbohydrates ay dapat na 1/3 ng iyong kinakain araw araw, kaya ito ang tinatawag na base food. Kung kanin ang iyong base food, mas magandang ihain ang brown rice dahil sa taglay nitong extrang fiber.

Ang patatas na may balat ay maganda ring source kapwa ng carbohydrates at fiber. Kaya kung kakain ka ng nilagang patatas, dapat na kainin mo rin ang balat nito.

Gatas na low fat

Ang gatas at ang mga produktong gawa dito tulad ng keso at yoghurt ay masustansyang pagkain dahil sa pinanggagalingan din ito ng protina. Naglalaman din ito ng calcium na nakakatulong na mapanatiling malusog ang iyong mga buto.

Para lubusang matamasa ang mga pakinabang nap ag inom ng gatas na hindi naman nasosobrahan sa fat, piliin ang semi-skimmed na may 1% na fat o mismong skimmed milk. May mga produkto naman na gawa sa gatas tulad ng yoghurt o keso na low fat na pwede mong mabili sa mga tindahan na malapit sa inyo. Kung ayaw mo sa gatas, may mabibiling soya milk, soya cheese o soya yoghurt na nagtataglay din ng kaparehong dami ng protina kumpara sa gatas.

Beans, isda, itlog at iba pa

Ang mga nabanggit ay masustansyang pagkain dahil sa ito ay napagkukunan ng protina ng kailangan ng katawan para sa paglaki at pagsasaayos ng sarili. Ang mga ito ay mayaman din sa iba pang mga bitamina at mineral.

Ang karne ay magandang source ng protina at mineral tulad ng iron, zinc at mga bitaminang B. Isa rin ito sa mga mapagkukunan ng bitamina B12. Subukang kumain ng malalamang karne lalo na ng skinless na manok para mabawasan ang pagkain ng sobrang taba. Kailangan mong lutuing maaayos ang karne bago kainin para makaiwas ka sa sakit.

Ang isda ay isa pa sa mga mahahalagang mapagkukunan ng protina kasama na ang mga bitamina at miniral. Ang mga isdang malangis ay mayaman sa omega 3 na fatty acid.

SIguraduhing nakakakain ka ng dalawang serving isda kada linggo. Pwede kang kumain ng sariwa, frozen o de latang isda, basta tandaan na ang de lata at tinapang isda ay mas maalat kumpara sa iba pang paraan ng pagpoproseso ng isda.

Ang itlog, beans, mani at iba pang butil ay mayaman din sa protina. Ang mga nut ay mayaman sa fiber at magandang pamalit sa protina na nakukuha sa karne, pero ito ay nagtataglay parin ng mataas na taba kaya kailangan mo paring mag hinay hinay sa pagkain ng mga ito.

Magdahandahan sa fats at asukal!

Ang sobrang pagkain ng saturated fats na nakukuha sa pagkain ng karne ay makapagpapataas sa kolesterol sa dugo mo, na makapagpapataas ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng sakit sa puso. Ang pag inom o pagkain ng mga matatamis ay makapagpapataba, makakasira ng mga ngipin, at makapagpapataas ng posbilidad na magkaroon ka ng diabetes.

Ugaliing magpasuri ng blood pressure at ng blood sugar level para alam mo kung paano ka mag-aadjust ng pagkain mo at magamot ng maaga ang mga sakit na maaari mong makuha sa hindi tamang pagkain.

Masustansyang pagkain para sa buntis

Ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan ay napakahalaga lalo na sa panahon ng pagbubuntis. Sa panahong ito, ang iyong katawan ay nangangailangan ng dagdag na sustansya, bitamina at mga mineral. Ang kakulangan sa masusustansyang pagkain sa panahon na ikaw ay buntis ay may hindi magandang epekto sa paglaki ng bata sa sinapupunan mo.

Narito ang ilan sa mga asustansyang pagkain para sa buntis na dapat mong kainin:

  • Gatas at mga produktong gawa dito
  • Legumes tulad ng monggo at mga beans
  • Kamote
  • Mga isda tulad ng salmon
  • Itlog
  • Mga gulay na madahon tulad ng broccoli, pechay, malunggay at iba pa
  • Laman ng karne
  • Fish liver oil
  • Whole grain
  • Abocado
  • Pinatuyong mga prutas
  • Tubig, maraming tubig!

The post Alam Mo ba Kung Ano Ang Mga Masustansyang Pagkain? first appeared on Mataba Ako!.


Tips Para Tumaba – Pagpapataba sa Natural na Paraan

$
0
0

Ang pagpapataba ay nangangailangan din ng pagsisikap tulad ng pagpapayat. Ang timbang ng isang tao ay may kaugnayan sa kaloriya na pumapasok sa kanyang katawan. Ang “init” na natatamo natin mula sa mga pagkaing kinakain natin sa araw-araw at nagpapagalaw sa isang tao o nagiging enerhiya ay siyang tinatawag na kaloriya. Kailangan natin ang tamang dami ng kaloriya upang magkaroon ng enerhiya at mapanatili ang timbang. Sa sitwasyon ng isang taong gustong magpataba, kailangang madagdagan ang kaloriya sa katawan upang magkaroon ng sobra ang kaloriya mula sa init na nagagawa ng katawan at sa gayon makakuha ng karagdagang timbang. May ilang tips upang mabisang madagdagan ang timbang at sa paraang natural. Bago natin talakayin iyan, kailangan malaman muna natin ang mga natural na vitamins na pampataba para sa ating katawan.

Vitamin B-12 at Gana sa Pagkain

Ang vitamin B-12 ay isang bitamina na tumutulong sa produksyon ng red blood cells at enerhiya. Ito ay may malaking epekto sa gana sa pagkain ng isang tao. Kapag kulang ng vitamin B-12 ang ating katawan, maaaring mabawasan ang gana natin at sa gayon, mahihirapan tayong kumain ng mga pagkaing may maraming kaloriya. Ang bitaminang ito ay nakukuha kapag kumakain tayo ng karne o kaya ay mga pagkaing galing sa hayop. Dahil dito, mas madaling magkaroon ng kakulangan sa B-12 ang mga taong vegetarian. Upang magkaroon ng dagdag na vitamin B-12 at maiwasan ang kakulangan nito, kailangang kumain ng pagkaing maraming protina tulad ng itlog, karne, hipon, isda at mga produktong gawa sa gatas. Marapat na isama sa bawat kainan at meryenda ang mga pagkaing may maraming protina upang higit na maging epektibo ang iyong pagpapataba.

Protina at Pagpapataba

Ang protina ay hindi bitamina ngunit ito ay may malaking naitutulong sa pagbuo ng muscles. Anupat gusto nating magdagdag ng timbang na magiging muscle at hindi ang taba na magiging bilbil. Kaya kailangan natin ang protina sa proseso ng ating pagdaragdag ng timbang. Maaaring idagdag sa listahan ng mayaman sa protinang uri ng pagkain ang mga mani, mantekilya, at beans. Ito ay maaaring maging kapalit ng karne para sa mga vegetarian dahil maaaring magbigay ito ng protina ngunit wala itong B-12 na pampagana ng pagkain. Isang magandang suhestiyon ay ang pagpapalaman ng peanut butter sa tinapay bilang meryenda.

Tips Para Tumaba

Ano ba ang dapat gawin upang madagdagan ang timbang?

  1. Kumain ng mga pagkaing may maraming kaloriya. Kailangan na mas marami ang kaloriyang papasok sa katawan kaysa sa gagamitin nito upang magkaroon ng sobrang kaloriya ang iyong katawan at madagdagan ang timbang. Halimbawa, ang iyong normal na kaloriyang kailangan ng iyong katawan ay 1,800 calories kada araw. Kung gusto mong unti-unti ang iyong pagdagdag ng timbang, maaaring dagdagan mo ito ng 250 hanggang 500 kaloriya araw-araw. Kung gusto mo namang mas mabilis, maaaring magdagdag ng 700 hanggang 1000 calories.
  2. Kumain ng mga pagkaing sagana sa protina. Ang ating kalamnan ay binubuo ng protina kaya ang sobrang kaloriya ay magsisilbing taba. Kung ang kaloriya ay sasabayan ng protina, ang ekstra nito ay magiging muscle. Ang protina ay nakakabawas ng gutom at gana kaya kailangan din ang vitamin B-12 sa ating katawan upang madagdagan ang gana at mas marami parin tayong makain.
  3. Kumain ng maraming carbohydrates at fats. Upang kumpleto ang isang kainan para sa taong magpapataba, kailangan ang carbohydrates, protina at fats tatlong beses sa isang araw. Pinapaalahanan din na huwag lumaktaw ng kahit isang kainan at kumain ng meryenda kung posible.
  4. Kumain ng mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya. Halimbawa nito ay mga nuts, dried fruits, karne, kamote, patatas, tsokolate at iba pa.
  5. Maglagay ng pampalasa sa pagkain. Nakakatulong ito upang mas maganahan tayo sa pagkain at mas magkalasa ito. Sa gayon, mapaparami tayo ng makakain.
  6. Mag-ehersisyo – Kailangan pa rin ang ehersisyo sa pagpapataba. Ito ay upang ang kaloriyang nakuha sa pagkain ay maconvert bilang muscle. Sa kabilang banda, ito rin ay nakakapagpagana sa pagkain.

Mabuti bang uminom ng ilang vitamin supplement sa pagpapataba?

Ang mga nagbebenta ng vitamins na pampataba ay nangangakong ang kanilang produkto ay epektibo sa pagpapalakas, pagpapaalisto at pagkakaroon ng muscle. Isang bagay na marapat nating tandaan ay: Ang walang partikular na vitamin supplement na makakabigay sa iyo ng dagdag na timbang dahil ito ay walang lamang kaloriya. Maaaring makatulong lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng nutrisyon para sa iyong katawan. Mas epektibo pa rin ang natural na paraan ng pagdaragdag ng timbang gamit ang natural na mga vitamins na pampataba na nasa mga pagkain na kinakain natin sa araw-araw. Kaya imbes na humanap ng sintetikong mga vitamin supplements na nagbibigay lamang ng dagdag na gastos kaysa sa dagdag na timbang, sundin ang mga paraang naaayon dito at masasabi mong “Tumaba ako” sa natural na paraan.

The post Tips Para Tumaba – Pagpapataba sa Natural na Paraan first appeared on Mataba Ako!.

Mga Epektibong Mga Paraan Kung Paano Magpapayat

$
0
0

Sa totoo lang, mas maraming tao ngayon ang namomroblema sa kanilang timbang. Maging sa mga klinika, karamihan sa mga pasyente ay may sakit na may kinalaman sa pagtaba, sobrang kain o pagkain ng bawal. Sadya nga bang madaling tumaba at mahirap magpapayat? Sa dami ng masasarap na pagkain totoo ngang mabilis na tataaba ang isang tao kung hindi siya magko-kontrol.

Ngunit puwede rin namang pumayat sa madaling panahon lang. Hindi man ito mangyayari sa magdamag lang, pero kung disiplinado at determinado, mararamdaman at makikita ang epekto sa isang linggo lang. Oo, tama ang nabasa mo. Kung pursigido sa pagpapapayat, aaksiyon kaagad at itutuloy-tuloy ito, siguradong in just one week, mababawasan ang timbang, liliit ang sukat at talagang papayat ka. Dapat na handa ang katawan mo sa pagpapapayat lalo na kung binibigyan mo lang ang iyong sarili ng isang linggo.

Change of lifestyle. Ito ang unang-unang dapat gawin para malaman kung paano magpapayat. Magbago ng pamamaraan ng pamumuhay para makapag-umpisa nang magpapayat. Isiping mabuti kung ano talaga ang goal na gusto mong ma-achieve. Mag-set ng schedule para ma-balanse mo ang mga gawain sa araw-araw. Magkaroon ng displina sa sarili at maging istrikto dito. Iplano ang pagkain, inumin at pag-e-ehersisyo sa tamang paraan at oras.

Huwag manood ng TV habang kumakain. Pinatatagal lang ng gawing ito ang iyong pagkain. Ang ibig sabihin, mas mapaparami ang kain kung nanonood ng TV habang kumakain. Mawawala ang focus sa pagkain kapag nanonood ng TV. Dahil dito, hindi mapapansing mas mapaparami ng kuha sa plato.

Matulog ng sapat at tama sa oras. Nakapagbabalanse ng metabolism ang pagtulog ng sapat at tama sa oras. Ito ay isa sa mga epetkibong paraan kung paano magpapayat. Pinaka-‘da best’ ang pagtulog ng 8 oras araw araw. Kapag kulang sa tulog ang isang tao, babagal ang kaniyang metabolism. Ang resulta, mabilis na tataba.

Kape at tsaa para sa weight loss. Paghandaan ang araw-araw na physical activities sa pamamagitan ng pag-inom ng tsaa o kape mga 30 hanggang 45 minuto bago simulant ang ehersisyo o physical activity. Ito ay garantisadong nakatutulong para sa mabilis na pagsunog ng mga taba, sebo at dumi na naipon sa katawan. Dapat lang tandaan na makasaama naman ang pag-inom ng sobra ng kape. Ito ay makapagdudulot ng palpitation.

Kumain ng fiber-rich foods. Ito ay garantisadong makakatulong na bumilis ang pagpayat. Sa loob ng isang linggo, kung gagawin mo ito, siguradong sa loob ng pitong araw, mapapansin mo ang pagbabago sa iyong pangangatawan. Ilan sa mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa fiber ay oatmeal, pinya, guyabano at wheat bread.

Mag-exercise tuwing umaga. Gusto mo talagang malaman kung paano magpapayat nang mabilis? Mag-exercise ka araw-araw. Hindi kailangang mahirap na workout. Simpleng paggalaw gaya ng paglalakad, pagtakbo at pagsayaw-sayaw ay makapagsusunog na ng maraming calories agad-agad.

May natural bang paraan kung paano magpapayat?

Kung nais pumayat, huwag basta-basta iinom ng gampot na pampapayat. Hindi lahat ng ipino-promote ay apektibo. Maaaring mabilis silang makapagpapayat, ngunit maaari rin silang magkaroon ng side effect. Pinaka-safe pa ring paraan para ikaw ay pumayat ang natural remedy. Maraming kang matutunang tips para pumayat. At ang good news dito, marami ka ring mapagpipiliang mga natural na pamamaraan.

Bago sumubok ng mga dietary supplement, pagkain o inuming pampapayat, mas mainam na umpisahan muna ang disiplina sa sarili nang hindi kinakailangang bumili. Kung dati’t isa hanggang 1-1/2 tasa ang kanin mo kada kain, bawasan ito sa kalahating tasa na lamang. Malakas makapagpataba ang kanin. Dalasan at mas damihan pa ang pagkain ng gulay. Ito ay mabilis matunaw sa tiyan at mababa ang tsanasang maimbak o manatili sa katawan at maging taba.

Sabayan ng ehersisyo ang tamang pagkain. Ang pagwo-workout ng 30 hanggang 45 minuto araw-araw ay epektibong nakakabawas ng timbang. Magkaroon ka ng 10,000 steps a day na goal sa sarili. Tiyak na malaki ang mababawas sa bilbil pag nakaugalian ito.

Mga tips para pumayat
Hindi imposibleng pumayat. Gaano ka man kataba, hindi dapat mawalan ng pag-asa na ikaw ay papayat pa. Sa artikulong ito, nabasa mo na sa mga unang bahagi pa lamang, ang mga apektibong pamamaraan kung paano magpapayat. Hindi ba’t achievable at kayang-kayang gawin ang mga ito? Hindi rin mahirap hanapin ang mga rekomendadong pagkain at inumin, di ba?

Hindi nagtatapos doon ang aming tips. Narito ang ilan pa. Tandaan, hindi ka imposibleng pumayat. Maaaring nagkulang ka lang ng disiplina kaya kabumigat at lumaki, pero siguradong papayat ka pa.Puwera na lamang kung may karamdaman kang nagiging sanhi ng iyong pagtaba. Narito ang ilang pang tips:

  1. Simulan mo na ngayon. Wala nang iba pang best time para magsimula kundi ngayon. Ang pag-uumpisa ang pinakamahirap talagang gawin. Ngunit kapag naumpisahan na ang pagpapapayat, tiyak na mae-engganyo ka nang ipagpatuloy ito.
  2. Huwag mag-alangang magtimbang. Importanteng maitala mo ang sariling timbang bago, habang, at pagkataos ng weight loss program mo. Malalaman mo ang ang diperensya ng timban sa paglipas ng mga araw kung alam mo kung saan ka nagmula.
  3. Katulad ng nabanggit na, laging tatandaang pinakaepektibong paraan ng pagpapapayat ang kumbinasiyon ng diet and exercise.
  4. Umiwas sa mga pagkaing mayaman sa carbohydrates gaya ng pasta, kanin at tinapay. Ang mga ito ay sobrang bilis makapagpataba.
  5. Kung malakas ka sa softdrinks at juice, itigil na ang pag-inom ng mga ito. Maging ang mga matatamis ay dapat mo nang bawasan (kung hindi man maiwasan). Malaki ang ibabawas sa timbang mo sa paghinto sa pag-inom ng kahit anong colored drink.
  6. Siguraduhing may nakalaang oras sa araw-araw para sa ehersisyo. Kahit pa gaano k aka-busy, dapat mayroon kang kahit 30 minuto lang para magpapawis. Ang araw-araw na pag-eehersisyo ay makatutulong para pumayat.
  7. Kung hindi kaya ang monthly membership fee sa gym, huwag mag-alala. Maari ka namang mag-exercise sa bahay sa pamamagitan ng YouTube at exercise videos na mapi-play sa DVD. Marami ka pang pagpipilian gaya ng Taebo, Zumba, Body Combat at Walk the Mile. Ang kagandahan nito, ikaw ang magdedesisyon kung kalian at ano ang gusto mong gawin.
  8. Mamuhay ng healthy lifestyle. Palaging isaisip ang kapakanan ng sarili at ang kalusugan. Piliin ang paglalakad kaysa sa pagsakay kung malapit lang ang pupuntahan. Sa paraang ito, nakatipid ka na, nakapag-exercise ka pa!
  9. Higit sa lahat, ipagpatuloy lang ang healthy practice at manatiling disiplinado sa lahat ng bagay at oras.

The post Mga Epektibong Mga Paraan Kung Paano Magpapayat first appeared on Mataba Ako!.

Helpful Tips Kung Paano Mawala ang Bilbil

$
0
0

Hindi lahat ng taong may bilbil ay matataba. Sa katunayan, maraming taong payat naman o slim, ngunit malaki ang bilbil. Maraming dahilan kung bakit may ganito ang isang indibiduwal. Maaaring siya ay madalas na nakaupo at umuupo ng bagong kain. Kung minan naman hindi tabain pero bilbil lang ang lumalaki dahil sa pagkain ng marami. Iba’t-iba man ang klase ng kaatawan mayroon ang mga taong pawang may bilbil, iisa lang ang nais nila—ang malaman kung paano mawala ang bilbil nila.

Bakit kailangang mawala ang bilbil

Tunay ngang kailangan itong tanggalin o paliitin man lang sa katawan. Minsan, katulad ng nabanggit, ang isang babae o lalaki pumapayat na pero naiiwan pa rin ang bilbil sa tiyan. Ito, marahil ay nangdahil sa maling gawain o practice ng pag-dadiet o pag-e-exercise. Nakaka-relate ka ba? Siguradong super excited ka nang malaman ang mga paraan ng pampaliit ng bilbil.

Pinakaimportante mo munang unang dapat gawin ay ang malaman kung ano nga ba ang nagiging pangunahing dahilan ng paglaki ng bilibil sa katawan. Magkaroon ka ng self-assessment at alamin mong mabuti kung saang pag-uugali sa pagkain ka nagkamali. Pagkatapos nito, siguradong mabilis at madali nalang para sa iyo ang pagtuklas ng mga dapat mong iwasan, gawin, inumin o kanin para sa epektibong pampaliit ng bilbil. Mahirap gawin pero posibleng posible talaga ang magpaliit ng bilbil.

Bakit ba tumataba at ano ang dapat gawin kung paano mawala ang bilbil?

Kulang sa paggalaw o pagkilos ng katawan. Malaking impact ang teknolohiya o gadgets sa katawan ng tao. Kadalasan, dahil mas maraming siyang oras sa pagga-gadget, hindi na niya makuha pang kumilos. Ito ay nakapagdudulot ng pagdami ng maraming body fats sa katawan. Mainam na maglaan ng ilang minuto sa pagtayo, mula sa pagkakaupo. Maglakad-lakad o kumilos kung nasaan man. May posibtibong kahihinatnan ito. Ikaw ay tiyak na pagpapawisan at mas magiging malaki ang tsansang mawala ang bilbil.

May maling gawain sa pagkain. Ito ang kadalasan ang problema kung bakit hindi malaman kung paano mawala ang bilbil. Hindi porke’t paborito ang isang pagkain ay uubusin o dadamihan na ito. Epektibong nakakaliit ng bilbil ang prutas at gulay. Panahon na para baguhin ang mga maling food choices at palitan ang mga ito ng masusustansiyang pagkain.

Parating puyat at bitin sa tulog.

Kung talagang gustong mawala ang bilbil, dapat ay may sapat na tulog. 8 oras araw-araw dapat ang inilalaan sa pagtulog. Mahalaga ito sa tao, pagpapapayat man o pagpapataba ang layunin niya. Puwede kang magka-hormonal imbalance kung makakaugalian na ang irregular na pagtulog. Ito ay maaaring magdulot ng madalas at grabeng pagkagutom. Dahil dito, magiging madalas din ang pagkain sa maling oras! Para ito ay maresolba, kailangang matulog ng maaga nang sa gayon, mas maging mahaba pa ang pagtulog.

Pagtanda o pagkaka-edad na. Minsan, habang nagkaka-edad na ang tao, siya ay tumataba. Lumalaki ang buo niyang katawan. Puwedeng ma-delay ang pagtanda ng tao sa pamamagitan ng tamang ugali sa pagkain at regular na pag-e-exercise. Malaking tulong din kung mayroong tama at sapat na oras para sa tulog. Ito ay epektibong mabilis na pampaliit ng bilbil.

The post Helpful Tips Kung Paano Mawala ang Bilbil first appeared on Mataba Ako!.

Alamin ang Mga Paraan Kung Paano Pumayat ng Mabilis

$
0
0

Sa panahon ngayon, maraming bagay ang nakukuha nang mabilis. Ang pagsa-shopping ng mga bagay ay isang click na lamang sa computer. Ang pag-aapply ng trabaho ay nagagawa na rin online at may resulta rin agad-agad! Maging ang pakikipag-kumustahan sa mga mahal sa buhay sa ibang bansa ay instant na rin.Eh sa pagpapapayat? Gusto mo bang malaman kung paano pumayat ng mabilis?

Kailangan mo lang ihanda ang iyong sarili sa posibleng paghihirap. Mag-ipon din ng maraming pasensiya at oras para para sa mabilis na pampapayat. Bago malaman ang mabisang paraan ng mabilis na pagpapayat, magtimbang ka muna. Ito ay mahalaga para malaman mo kung ano ang dapat na maabot na timbang, kung ano ang magiging diperensiya ng timbang makalipas ang panahon at kung anong klaseng pagpapayat ang agawin.

Pangalawang dapat gawin: Gawing madalang ang pagkain maalat, mataba at matatamis. Ang mga uri ng pagkaing ito ay mabilis na nakakapagpataba. Kumilos at gumawa sa bahay para pagpawisan. Kapag pinagpapawisan, siguradong masusunog ang tabang naipon at nanatili na sa katawan at tiyan mo.

Mga teknik kung paano pumayat ng mabilis

Huwag nang gawing kumplikado pa ang mga gagawin para sa mabilis na pampapayat..Kadalasan, puwedeng gawin ang mga ito sa loob ng bahay. Simple ngunit kailangang paglaanan ng oras. Kapag ginawa ang mga ito araw-araw, tiyak na bibilis ang pagbawas ng timbang at pagliit ng katawan. Narito ang ilan sa mga dapat gawin:

  • Asikasuhin ang bahay. Ang paglilinis ng buong bahay ay mabisang pampapayat. Gung gusto mong malaman kung paano pumayat ng mabilis, humawak ng walis at dustpan araw-araw sa umaga at hapon.
  • Uminom ng maraming tubig para hindi ma dehydrate. Ang pag-inom ng 8 baso ng tubig araw-araw ay nakakatulong na malinis ang mga toxin sa katawan. Ito rin ay pwedeng maging panlaban sa sakit. Napakahalagang maayos ang kalusugan habang nagpapapayat.
  • Ipalit ang prutas at gulay bilang snack araw-araw kaysa sa tsitsirya. Ang mga ito ay rich in fiber kaya pabor na pabor sa digestive system. Hindi mananatili at maiimbak ang taba sa tiyan at bituka kung normal ang pagdumi at kung lubhang nalilinis ang sistema.
  • Ugaliing nakatayo nang mas madalas kahit na kailangang nakaupo kapag nagtatrabaho. Mag-break ng kada 2 oras sa pagkaaupo at maglakad-lakad nang sa gayo’y bumilis ang metabolismo.
  • Mag-exercise at sabayan ito ng diet. Tiyak na bibilis ang proseso ng pagpapapayat kaya napakalaki ng tsansa mong maabot ang pangarap mong sexy at slim body sa lalong madaling panahon.
  • Bawal ang stress. Ito ang importante sa lahat. Kapag stressed ka, nalilipat ang focus mo sa mga bagay na ikinaka-stress mo. Nawawalan ka ng konsentrasyon sa paggawa ng paraan kung paano pumayat ng mabilis.

Papayat ka sa loob lamang ng isang linggo

Tama ang nabasa mo! Sa artikulong ito, malalaman mokung paano magpapayat ng isang linggo lang. Marahil ay naitatanong mo, “Paano kaya ito?” Makakaya pababain ang timbang mo at paliitin ang waisteline mo in just one week? Ang sagot sa mga huling tanong ay isang malaking “oo”. Ngunit hindi madali ha. Sa katunayan, ito na marahil ang pinakamabigat na pagsubok na kakaharapin mo sa mga susunod na pitong araw—kung ano nga ba ang pinaka-mabilis na pampapayat. Ang sarap talagang magpapayat lalo na’t may target deadline ka sa pagpayat. Maraming challgenges na mami-meet ang isang taong nagpapapayat.

Nandiyan ang tukso at cravings sa mga pagkaing mabilis makapagpataba tulad ng desserts, tsitseriya at oily na pagkain. Isa ring pagsubok ang hirap sa paggising, maging ang pagbangon ng maaga para mag-exercise. Ang pagtigils sa mga maling nakagawian na ay isa ring test para maka-survive sa mabilis na pagpapapayat. Malaki rin ang epekto ng pag-inom, paninigarilyo at pagpupuyat, sa nais mong mabilis na pagpayat.

Pero huwag kang mag-alala dahil kung susundin mo lang ang mga nabanggit, tiyak na kakayanin mo talagang pumayat sa loob ng isang linggo lamang. Mag-tiyaga ka lang at maglaan ng panahon para ma-achieve mo ang goal mo. Kailangan din ng matinding disiplina sa sarili at ito ay garantisadong mabilis na pampapayat.

Isang linggong pagpapapayat

Siguro, para sa iba, ang pagpapapayat ng isang linggo ay maituturing na milagro. Tunay ngang mahirap itong gawin lalo na kung sobrang iksi lang ng panahon ng pagpapapayat. Imposible talagang maging small ang size mo at kalahati agad ang igagaan mo in just one week. Pero ang posible, tiyak na mababawasan ka in both pounds and inches kung in one whole week ay disiplinado ka sa iyong sarili.

Heto ilan sa mga simpleng paraan. Mahirap man paniwalaan, ngunit siguradong nakakatulong kung paano magpapayat ng isang linggo:

  • Uminom ng mainit na tsaa 30 minuto bago kumain. Pabibilisin nito ang pagtunaw sa pagkain sa sa loob ng katawan.
  • Iwasan na ang colored drink dahil mataas ang sugar content ng mga ito. Huwag din iinom ng malamig na tubig kapag kumakain
  • Huwag na masyado mag-sawsawan tulad ng patis, bagoong at toyo. Ang mga ito ay nakakapagpasarap ng pagkain. Lalong gagananahan pag masarap ang pagkain at lalo pang tataba.
  • Umiwas na sa mga sobrang tamis na pagkain. Ang mga ito ay sobrang lakas magpataba.
  • Mas dalasan at damihan ang pagkain ng mga sagana sa protina katulad ng itlog. Nakakadagdag ito ng enerhiya sa katawan kaya’t bibilis ang metabolism ng isang tao .
  • Husto dapabat sa tulog araw-araw. Dapat maglaan ng 8 para makapag-ipon ng lakas.
  • Mag-exercise kalahati hanggang isang oras araw-araw. Sinusunog ng pagwo-workout ang mga nakakain mo, healthy man o hindi, araw-araw.
  • Olive oil at virgin coconut oil lang ang gamitin tuwing ikaw ay magluluto.
  • Kumain araw-araw ng heavy breakfast para maiwasan ang madalas na pagkagutom.
  • Sabayan ng pag-inom ng dietary supplement na ligtas inumin ang ano mang physical activity.Makakatulong ito para bumisis ang pagsusunog at pagtunaw ng calories at taba sa katawan.

Tandaan, ang lahat nang ito ay mga epektibong paraan kung paano pumayat ng mabilis. Sila ay safe gawin dahil wala namang chemical formulang nakahalo sa mga nirekomendang pagkain at inumin. Maging ang mga ehersisyo ay simple lamang kayat ang mga ito ay garantisadong mabilis na pampapayat. Tinuruan ka na rin ng artikulong ito kung paano magpapayat ng isang linggo lang. Hindi man agad-agad na maaabot ang goal mo, pero garantisado namang magkakaroon ng pagbabago. Disilipina at determinasiyon lamang ang susi.

The post Alamin ang Mga Paraan Kung Paano Pumayat ng Mabilis first appeared on Mataba Ako!.

Kahalagahan ng Masustansyang Pagkain Para sa Pagpapapayat

$
0
0

Maraming maling practice sa pagda-diet. Kadalasan, sa kagustuhang pumayat ng isang tao, halos hindi na siya kumakain para lamang ma-achieve ang kaniyang target weight and size. Ngunit hindi lahat ng klase ng diet ay angkop sa lahat ng tao. Ang natatanging paraan para makasigurong tama ang diet na ginagawa ay sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga masustansiyang pagkain.

Napakarami nang diet program na inirerekomenda ngayon. Subalit hindi naman lahat ay nagiging mabisa at ligtas sa katawan. Kaya naman mas mabuti kung ang ikokonsumo sa pagpapapayat ay mga pagkaing kilala natin. Ito yung mga pagkaing madalas makita sa ating kusina at refrigerator. Importante ang masustansiyang pagkain sa pagpapapayat dahil ang mga ito ay nakatutulong sa pagpigil ng pamumuo ng mga taba sa katawan.

Nakatutulong ang masustansiyang pagkain para pumayat

Noong maliit na bata ka pa, sinabihan ka ba ng magulang mo na kumain ka ng masustansiyang pagkain para tumaba? Kalimitang advice ito ng mga nanay at tatay sa mga batang mahirap pakainin. Pero sa artikulong ito, madidiskubre mong makatutulong din mga ganitong uri ng pagkain sa iyong pagpapapayat. Totoong napaka-importante ng pagkain ng tama sa kalusugan ng isang tao. Ito ay nakapagpapalakas ng katawan. Ang isang indibidwal na may malusog at malakas na pangangatawan ay mas may labang harapin ang mga pagsubok ng pagpapapayat.

Sa masustansiyang pagkain kumukuha ng lakas ng pangangatawan ang isang tao. Dahil sa pagkain nito, napapanatili ang tamang timbang at kalusugan. Kapag hindi kumain ng tama, ito ay maaaring maging sanhi ng panghihina ng kanilang immune system. Kailangang lumakas ang immune system ng tao para gawin ng tama ang mga paraan ng pagpapapayat. At para mangyari ito, kailangan niyag kumain ng masustansiyang pagkain.

Mga dapat kainin para sa tamang pagpapapayat

Para malaman kung tama ang mga kinakain, importanteng alam mo ang value ng kahit anong ipinapasok mo sa iyong katawan. Tiyaking kinokonsumo ang tamang bitamina at mineral ng katawan. Higit sa lahat, kumain ng masustansiyang pagkain gaya ng gulay at prutas na rich in fiber. Ang mga prutas na sitrus ay da best maging companion sa pagpapapayat.

Ilan sa mga ito ay suha, mansanas, orange, pasas, at hinog na saging. Ang saging ay mainam sa pag-eehersisyo dahil sa taglay nitong potassium. Nakakatulong din ang saging na mag-relax ang isang tao. Narito ang ilan pa sa mga dapat kainin para sa tamang pagpapapayat:

  • Maaasim na prutas gaya ng dalandan, kalamansi at suha. Ang mga ito ay rich in Vitaminc C na No. 1 na panlaban sa ubo, hika at sipon, maging ng arthritis. Mas makakapag-exercise at magpapayat ang isang taong may malusog na pangangatawan.
  • Strawberries – ayon sa mga eksperto, ito ay epektibong panlaban sa kanser. Mas magiging makabuluhan ang pagpapapayat kung alam mong ikaw ay malusog.
  • Papaya – Mainam sa pagpapatunaw ng pagkain ang papaya. Dahil dito, mabilis na matutunaw ang ano mang kainin kaya naman mabilis ding papayat.
  • Melon at pakwan – ang mga ito ay masustansiyang pagkain dahil sa kakayahan nilang labanan ang sakit sa pantog at bato. Maliban dito, mayaman din sa potassium at Vitamin C.
  • Pinya – ito ay kilala sa kakayahang makapagpalakas ng resistensiya. Ang taong may malakas na resistensiya ay may mas malaking tsansang pumayat. Siya ay magiging mas masigla sa pag-eehersisyo. Magiging mas determinado rin siya sa kaniyang adhikain sa pagpapapayat.

The post Kahalagahan ng Masustansyang Pagkain Para sa Pagpapapayat first appeared on Mataba Ako!.

Mga Pampapayat ng Tiyan na Hanapin at Gawin

$
0
0

Lagi ka bang natutuksong ‘Bondat’, ‘Laki Tiyan’ o ‘Big Tummy’? Natanong ka na ban g ‘Kailan ka manganganak kahit lalaki ka?’ Kung ang sagot mo sa mga tanong ay ‘OO’, ngayon na ang pagkakakataon mong bumawi. Huwag mo silang gantihan sa pamamagitan ng pananakit o panunuksu din. Magpapapayat ka! Sa artikulong ito, madidiskubre mo ang ilang mga epektibong paraan ng pampapayat ng tiyan na madaling sundin. May mga kakanin at inuming madali ring sundin.

Marahil ay hirap ka na sa pag-eehersisyo para lumiit ang tiyan. Nainom mo na siguro lahat ng slimming pills para lang pumayat. Matapos gawin ang mga ito, wala pa ring pagbabago. Ikaw ay mayroon pa ring malaki at bilugang tiyan, hindi ba? Tiyak na may mali sa gawain mo sa pagkain at pagwo-workout. Hayaan mong tulungan ka ng artikulong ito na maghanap ng naaangkop na paraan kung paano magpapayat ng tiyan. Pangako, hindi ka mahihirapang sundin ang proseso. Hindi ka rin mahihirapang hanapin ang dapat i-konsumo. Read on!

Mga pangunahing pagkaing pampapayat ng tiyan

Kung babasahin ang iba’t-ibang artikulo tungkol sa pagpapapayat, napakaraming diet programs na rekomendado ng mga eksperto. Minsan, mahirap nang sundin ang mga proseso, lalo na kung may mga kailangang lutuin. May mga oras ding napakahirap hanapin ng mga sangkap sa mga lulutin o gagawing pagkain.

Gayundin sa mga physical activities na gagawin. May mga indibiduwal na kailangan pang gumastos at mag-enrol sa gym para lumiit ang tiyan. Ngunit ang masaklap dito, gumastos na’t lahat, hindi pa rin pumapayat. May mga ehersisyong hindi bagay sa lahat ng katawan, kundisyon ng kalusugan at klase ng lifestyle. May mga pagkain ding mahinap hanapin sa merkado. Narito ang ilan sa mga garantisadong pagkain at inuming pampapayat ng tiyan. Madaling hanapin at madali rin ang paraan ng pagkain.

  • Itlog – Base sa mga pag-aaral, nalamang ang itlog ay nakakatulong sa pagpapataas ng protina sa katawan. At ang pagkain nito araw-araw ay nakakatulong para magsunog ng napakaraming calories. Kung nais na talagang bumaba ang timbang, scrambled eggs ang kainin.
  • Suha – Ang prutas na a ito ay napakainam lalo na kapag isinama sa regular meal. Isa ito sa mga pinakamabilis makapagpabawas ng timbang. Ang maganda pa rito, ang Vitamin C na taglay ng suha ay tumutulong na pagalin ang pagpasok ng cholesterol sa loob ng katawan.
  • Avocado – Ito ay isa pang prutas na mainam na pampapayat ng tiyan. Taglay ng avocado ang kakayahang makapagpababa ng bad cholesterol sa katawan. Ibig sabihin, tumutulong din ito na mapababa ang timbang. Malakas din ito sa fiber at protina kaya naman tiyak na mas mai-improve ang digestive system at energy level ng isang tao.
  • Grean tea – Marami na ang nakadiskubre at gumagawa nito. Sila ay umiinom ng grean tea, bago at pagkatapos kumain. Sa mga naghahanap ng paraan kung paano magpapayat ng tiyan, isa ang inuming ito sa pinakamabisang ‘must-drink.’ Taglay ng grean tea sa kakayahang magpabilis ng metabolism ng tao. Base sa aral, ang taong regular na umiinom nito ay talagang lumiliit ang tiyan at pumapayat.

Mga ehersisyong nakakapayat ng tiyan

Hindi magiging epektibo ang iyong pagpapapayat kung puro diet lang. Kung gusto mo talagang malaman kung paano magpapayat ng tiyan, dapat, bukas ka rin sa ideya ng pag-e-ehersisyo. Hindi sapat ang pagkain lamang ng mga pagkaing nakakapayat. Dapat sinasabayan mo ito ng everyday workout. Narito ang ilan sa mga ehersisiyong madaling sundin.

Para sa mga first time sumubok sa pagpapapayat:

Lunge twist – Bagama’t tiyan ang main target ng ehersisyong ito, pinalilit o pinagaganda rin nito ang puwed, obliques at quads. Sa workout na ito, mga paglayuin ang mga paa. Ibaluktot ng kaunti ang mga tuhod. Ibaluktot din ang mga siko sa may baywang ng 90 degrees. Gamit ang kanang binti, tumapak pasulong habang ipinipihit ang braso at katawan sa kanan.

Ipihit ang katawan pabalik sa gitna kasabay ng mabilis na pagtulak sa kanang paa, pabalik sa unang posisyon. Ulit-ulitin ito ng 16 beses araw-araw.

Step Hop – Sa tiyan din ang concentration ng ehersisyong ito subalit pinaliliit at pinagaganda rin ang binti at puwet. Ito ay ginagawa rin nang magkalayo ang paa at ang mga tuhod ay bahagyang nakabaluktot. Ilagay ang mga kamay sa baywang. Iangat ang kaliwang tuhod hanggang sa maabot ang lebel ng baywang kasabay ng paglundag ng nakadiretso ang mga binti. Ulit-ulitin ng 16 beses araw-araw.

Para naman sa mga hard-core na sa pag-e-ehersisyo, subukan ang mga ito:

Squat Jump – Bukod sa tiyan, target din nito ang braso, binti at puwed. Dahil sanay na sa pag-e-ehersisyo, tiyak na pamilyar na sa step na ito. Ito ay ginagawa nang magkalayo ang paa at nakabaluktot nang bahagya ang mga tuhod. Dahil mas mahirap na step ito, ulit-ulitin lamang ng 12 beses kada araw.

Hammer Hoist – Ito ay ginagawa nang bahagyang magkahiwalay ang paa. Magkakapit ang dalawang kamay at nakaposisiyong sa harap ng mga hita. Ito rin ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtalon ng pataas sala ang braso na mas mataas pa sa lebel ng ulo ang posisiyon.Ulit-ulitin ito ng 12 beses araw-araw para sa mas mabisang resulta.

Hindi nga ba’t napakadali lang ng mga nabanggit na pampapayat ng tiyan sa artikulong ito? Hindi rin mahirap hanapin sa grocery ang mga dapat kainin at inumin. Maging ang mga ehersisyong inirekomenda dito ay hindi mahirap sundin. Beginner ka man o hard-core fitness buff na, may workout na angkop para sa iyo. Kailangan mo lang talagang maglaan ng panahon at maging determinado sa lahat ng oras.

Kailangan din ng matinding pagpaplano kung gusto mo talagang lumiit ang tiyan mo. Maging malakas din ang loob sa lahat ng oras para mas matapang mong maharap ang mga pagsubok ng pagpapapayat.Tandaan, walang milagro, pagdating sa tamang pagpapaliit ng tiyan. Ngunit wala rin namang imposible kaya’t makakamit mo pa rin ang flat abs na gusto mo. Gawin mo lang ng tama ang mga paraan ng pagkain at pag-e-ehersisyo at sigurado ang positive result sa iyo. Ang pinaka- ‘da best pa sa mga tips na natutunan mo rito—lahat ng mga ito ay safe gawin.

Hindi lang iyan! Ang lahat nang nabanggit ay hindi lang ligtas gawin at kainin. Napaka praktikal ding piliin. Imagine! Hindi na kinakailangan pang magbayad ng membership fee sa gym guwan-buwan para sa pampapayat ng tiyan. Hindi rin naman kailangang mag-hire ng dietitian o nutritionist para sa tamang pagkaing pampapayat. Sundin lang ang mga inirekomenda dito at gawin nang regular. Tiyak na liliit nang husto ang tiyan mo.

The post Mga Pampapayat ng Tiyan na Hanapin at Gawin first appeared on Mataba Ako!.

Pagkaing Mayaman sa Fiber: Mainam sa Kalusugan, Mabilis Magpapayat

$
0
0

Sa pagpapapayat, pagda-diet ang unang-unang naiisip gawin. Kahit saan ka magpunta, sa supermarket, convenience store o palengke, pagkaing mayaman sa fiber ang inirerekomenda sa iyo. Tried, tested and proven nang mabilis makapagpapayat ang kahit anong pagkaing fiber-rich. Ito ay nakakatulong sa digestive system kaya ginagawa nitong regular ang pagdumi.

Hindi lang sa pagpapapayat nakatutulong ang mga pagkaing mayaman sa fiber. Dahil nga ito ay nakatutulong sa digestive system, nililinis nito ang bituka at tiyan. Tinatanggal ang mga naimbak at nanatiling pagkaing naging taba sa loob ng katawan. Dahil dito, makakaiwas sa mga sakit gaya ng Colon Cancer at Ulcer. Sa artikulong ito, madidiskubre mong ang kahit anong kainin mong sagana sa fiber ay higit na makatutulong sa iyo.

Kahalagahan ng fiber sa pagpapapayat

Mahirap magkulang ng fiber sa pang-araw-araw na pagkain. Kapag kulang ka dito, maaaring tibihin o mahirap dumumi. O di kaya, pa dumumi ay may kasamang dugo ang dumi. Ang pinakamalalang puwedeng mangyari, maaari kang magkaroon ng Colon Cancer kung hindi ka normal na dumudumi. Ang kailangan mo ay mga pagkaing mayaman sa fiber.

Maraming pagkaing pwede kang pagpilian na makapagpapalusog ng iyong katawan. Malaking tulong din ito kung ikaw ay nagpapapayat. Mayroon kang makikita sa supermarket na wafer na pinanggagalingan ng fiber. Ito ay maaring kainin ng tatlong beses sa isang araw. Kasabay nito ang pag-inom ng maraming tubig. Ilan sa mga nakasubok na nito ang nakapagpatunay na ang wafer na rich in fiber ay nakatutulong makapagregular ng pagdumi tatlong araw matapos itong kainin.

Bukod sa normal ng pagdumi, marami pang benepisyo ang makukuha mula sa mga pagkaing mayaman sa fiber. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Bababa ang kolesterol sa katawan
  • Magiging normal na ang blood sugar
  • Hihina ang tsansa ng pag-atake ng strok o heat attack
  • Magiging mas malusog ang katawan
  • Mapapanatili ang tamang timbang
  • Nagiging mas mahina ang tsansa ng pagkakaroon ng hemorrhoids

Kung hindi ka mahilig kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber maari kang magkaroon ng problema sa kalusugan. Maaari ring maapektuhan ang pagpapapayat mo. Unang-una, maaari kang magkaroon ng constipation. Malalaman mong ikaw ay konstipated kung nakaka-tatlong araw na at hindi ka pa rin dumudumi. At pag dumumi ka, hirap kang ilabas ito dahil ang dumi mo ay matigas at tuyo.

Maaari ka ring mas bumigat pa sa normal mong timbang. Ang mga nakaimbak na pagkain sa katawan mo ang magiging sanhi ng iyong pagbigat. Kaya naman malaking tulong ang fiber sa pagkontrol ng sami ng iyong mga kinakain. Isa pa, kung kulang sa fiber ang katawan mo, mahihirapan kang i-control ang iyong blood sugar.

Mga dapat kainin at inumin na mayaman sa fiber

Hindi lang wafer ang pagkaing mayaman sa fiber. Marami pang pwedeng pagpilian na maaaring makatulong sa kalusugan at pagpapapayat mo. Ilan sa mga ito ay ang mga gulay katulad ng saluyot, repolyo, malunggay, broccoli at sitaw. Ang lahat ng ito ay malaking tulong para ang katawan ay magkaroon ng sapat na fiber. Ang mga ito ay madaling matunaw. Madali ring mailalabas ang mga ito bilang dumi para malinis ang bituka at katawan.

Bukod sa gulay, may mga prutas ding dapat kainin para maging mas malusog pa ang pangangatawan. Kabilang sa mga ito ang pasas, suha, mansanas at saging na hinog. Maaari ring idagdag sa pagpaplano ng kakainin ang oatmeal, cereals, pasta at brown rice. Ang lahat ng ito ay mga pagkaing mayaman sa fiber kaya tiyak ang pagiging mas malusog pa ng katawan. Sigurado rin ang pagpayat kung ikaw ay kasalukuyang sumasailalim sa isang weight loss program.

The post Pagkaing Mayaman sa Fiber: Mainam sa Kalusugan, Mabilis Magpapayat first appeared on Mataba Ako!.


Pampaliit ng Tiyan: Ano Ang Dapat Gawin Para Lumiit ang Tiyan Mo!

$
0
0

Palagi ka bang napapagkamalang buntis? Siguro madalas kang pinapipila sa pregnant women’s lane tuwing nasa grocery o bangko ka noh? Kung minsan sa ganitong sitwasyon, marahil hindi mo malaman kung matutuwa ka ba o maiinsulto, di ba? Pag nasa priority lane kasi, mas mapapabilis ang mga transaksiyon mo. Iyon nga lang, kahit hindi ka buntis, akala ng nakararami, ay nasa ganoong kundisyon ka. Saklap noh?! Kaya naman nanaiisin mo nalang maghanap ng mabilis at epektibong pampaliit ng tiyan.

Mukhang panahon na para kumilos at paliitin ang tiyan!. Nakakababa ng self-esteem ang may malaking tiyan. Madalas, ito ang pinakamatagal lumiit sa pagpapapayat. Kadalasan din, may mga indibidwal na lumiit na halos ang buong katawan nila sa kanilang pagpapapayat puwera na lamang ang kanilang tiyan. Salamat nalang sa mga artikulo at tips online na nagbibigay ng iba’t-ibang pamamaraan ng pampaliit ng tiyan.

Very challenging ang pagpapaliit ng tiyan. Pero hindi ibig sabihing ito ay imposible. Kailangan lang ng mahabang pasensiya, matinding tiyaga at matagal na panahon para ikaw ay magka-flat abs. Marami kang makikitang interesting at effective ways ng pampaliit ng tiyan. Mahalaga lang na alam mo at pamilyar ka mo kung alin sa mga ito ang akma sa katawan, kalusugan at kundisyon mo. Iinom k aba ng gamot na pampaliit ng tiyan? O, Magpapapawis ka ba araw-araw? Tumutok lang sa artikulong ito at basahin hanggang dulo. Tiyak na matatagpuan mo kung alin ang pinaka-epektibong pampaliit ng tiyan ang bagay sa iyo.

Paano ba magpaliit ng tiyan?

Sa ayaw at sa gusto mo, tiyan ang pnaka-unang mapapansin sa iyo kapag ikaw ay mataba o tumataba. Ang masaklap pa dito, Mas halata ito sa pagtaba ng isang tao. Hindi man sa lahat ng oras, madalas, ang sobrang taba ay nananatili sa tiyan. Katulad ng senaryong nabanggit kanina, hindi nga ba’t nakakapikon para sa mga babae ang mapapaila sa pregnant lane kahit hindi naman buntis?

Heto ang ilan sa mga mabisang pampaliit ng tiyan na puwede mong subukan:

Ituring na kaaway o kalaban ang colored drinks – napatunayan na ngang epektibong pampaliit ng tiyan ang pag-iwas sa ano mang uri ng colored drink gaya ng orange juice, iced tea, at softdrinks. Ayon sa pananaliksik, ang mga uri ng inuming ito, partikular na ang cola, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng obesity.

Tumigil na sa pag-inom ng beer – Ito ang pangunahing inumin kapag may okasyon o salo-salo. Ang pag-inom ng madalas nito ay tiyak na makapagpapalaki ng tiyan. Mabilis makapagpalaki ng tiyan ang beer kaya kung gusto mong lumiit ito, huwag nang uminom ng beer kailanman.

Bawasan ang pagkain ng kanin – kung sanay kang kumain ng isang tasang kanin o higit pa, umpisahan na ang pagbabawas nito. Bawasan sa kalahating tasa na lamang kada kain. Ito ay garantisadong epektibong pampaliit ng tiyan. Maituturing itong staple food ng mga Pilipino, pero mahalagang malaman na malakas ito makapagpataba.

Dalangan lang ang pagkain ng maalat – ang pagkain ng sobrang alat na pagkain ay lubos na nakakapagpataba, lalo na ng tiyan. Kung pampaliit ng tiyan talaga ang hanap mo, panahon na para tumigil sa pagkain ng maalat. Makakapag-trigger ito sa pananatili ng tubig sa iyong katawan.

Huwag palaging nakaupo – Siguruhing tumayo sa matagal na pagkakaupo. Tumayo at maglakad-lakad kada 2 oras para hindi maipon ang taba sa katawan sanhi ng hindi masyadong paggalaw.Dagdag pa dito, kapag nananatiling nakaupo maghapon tiyak na lalalki ang tiyan.

Hangga’t maaari, huwag nang kakain ng cake at ice cream – ito ang mga numero-unong may mataas na content ng asukal. Dahil kaya naman ang pagkain nito ay mabilis na makapagpapataba at magpapalaki ng tiyan ng isang tao. Mas mabuting magbawas na ng pagkonsumo ng matatamis para maiwasan na rin ang pagtaba.

Araw-araw na mag-ehersisyo — May mga simpleng exercise na ginawa para sa pampaliit ng tiyan . Mga simpleng ehersisyo lamang ito. Ang sit-ups at crunches ay major contributors sa sa pagpapapayat. Ulittin lang ang exercises na ito 20 beses araw-araw at tiyak na liliit ang tiyan.

Mga ehersisyong pantanggal-bilbil sa tiyan

Para pinakamabisang pampaliit ng tiyan, mag-workout araw-araw. Kung masyadong abala at hindi kaya mag-everyday-workout, gawin ito kahit 3-5 beses lang linggo-linggo. Ang mga mabisang ehersisyo maaaring subukan ay ang regular na pagtakbo, paglalakad, at kung maraming oras at may budget—ang paglangoy. Siguruhin ding may nakalaang 30 minuto – 1oras para mag-ehersisyo. Ito ay para makasiguro kang papayat ka lalo na ang iyong tiyan. Kasabay ng araw-araw na exercise ang pagda-diet. Mainam na monitored ang mga kinakain mo at tiyaking tamang diet lamang ang sinusunod.

Napakaraming teknik para maging flat ang tiya. Sublait hindi lahat effective. Hindi rin para sa lahat ng tao ang ganitong mga klase ng taktika. Kaya importante pa ring matiyak ang na malusog ang pangangatawan bago pa man subukan ang kahit na anong paraan ng pampaliit ng tiyan. Pati na rin mga pagkain at inuming susubukan ay kailangang suriing mabuti. Ang iba ay mabisa ngang nakakagaan ng timbang o nakapagpapaliit ng tiyan. Ngunit mayroong mga produkto ring hindi apektido, paulit-ulit man silang gamitin.

Para masiguro ang pagliit ng tiyan, kumain o uminom lamang ng mga produktong natural. Siguraduhin ding ito yung may mataas sa fiber para madaling matunaw ang kinain. Mainam na uminom ng tsaa bago at pagkatapos kumain para madaling matunaw ang mga pagkaing naimbak sa loob ng tiyan. May mga mabibili sa merkado na pampaliit ng tiyan. Commercial products man ang mga ito, tiyank namang chemical-free at proven effective na.

Dahil uso na ang online shopping ngayon, karamihan sa mga produktong pampapayat ay available na rin online. Para makasigurong ligtas at effective inumin o kainin ang mga ito, pag-aralang mabuti ang mga reviews at palitan ng comments tungkol sa napiling produkto. Kadalasan, ang may mataas na rating at generally good reviews ang mga ligtas gamitin.

Higit sa lahat, bago sumubok sa mga produktong pampaliit ng tiyan, tiyaking maayos ang kundisyon. Ibig sabihin, dapat, ikaw ay malusog. Hangga’t maaari, piliin ang natural at yung mga madaling makita sa bahay gaya ng tsaa, pagkaing na rich in fiber at prutas na nakatutulong sa digestive system. Maging ang pagsubok sa exercise na pampaliit ng tiyan siguraduhing kaya ng katawan mo at may basbas ng doktor ang gagawing physical activities. Mainam na ehersisyong pampaliit ng tiyan yung mga pwedeng gawin kahit sa loob ng bahay gaya ng situps at crunches.

The post Pampaliit ng Tiyan: Ano Ang Dapat Gawin Para Lumiit ang Tiyan Mo! first appeared on Mataba Ako!.

Mga Paraan ng Mabisang Pampapayat

$
0
0

Ang artikulong ito ay tutulong saiyo na malaman ang mabisang pampapayat na mga paraan na makakatulong sa iyo para magkaroon ng magandang pangangatawan.

Maling akala ukol sa pagpapayat

Ang tao ay maraming maling kaugalian at pamamaaraan sa pagpapapayat. Una na rito ang pagkain ng bawal. Ika ng anila, ‘masarap ang bawal.’ Ngunit kahit pa sikat ang kasabihang ito, sadya ngang mali ito dahil ang mga maling pagkain ang madalas nakapagdudulot ng sakit at pagtaba. Dahil dito, marami ang nagsaliksik at gumawa ng mga rekomendasyon para sa mabisang pampapayat.

Isa pang maling gawain ang hindi pag-eehersisyo. Ang hindi paggalaw ay nakakabagal ng metabolismo ng katawan. Kapag mabagal ang metabolismo, mabilis ang pag-buildup ng unwanted fats at mananatili ito sa katawan. Ito ay nagiging sanhi ng pagtaba at paglaki ng tiyan.

Kabilang din ang side effect ng diet pills sa madalas nadahilan kung bakit madalas, hindi ma-achieve ang payat na katawan. Kadalasan, nagpapadala tayo sa mga TV at print ads na napapanood at nababasa natin. Ang buong akala natin, tama na ang diet pills para pumayat at sa mabisang pampapayat ng tiyan kaya okay lang na matakaw sa mga nakakatabang pagkain.

Hindi dapat makuntento sa mga tips na pampapayat na nababasa online at sa mga magazines. Maging ang mga napapanood na mga exercise sa YouTube ay hindi angkop sa lifestyle at kalusugan ng isang tao. Kung ikaw ay seryoso at determinado talagang magpapayat, dapat sabay-sabay na ginagawa ang tatlong ito: tamang pagakin, pag-e-exercise at pag-inom ng all-natural slimming drink. Ang mga ito ay garantisadong mga epektibo sa pagpapapayat. Tuloy-tuloy lang at pangmatagalan na gawin ang mga ito at sigurado ang magiging achieved na achieved ang pagpayat mo.

Mag-exercise tuwing umaga

Ang pag-e-exercise o pagpapapawis ang pinaka-mabisang pampapayat ng tiyan. Hindi naman kinakailangang hard core ang exercise para makamit ang flat abs. Napakaraming exercises ang maaaring subukan nang hindi naman kailangang gumastos at mag-enrol sa gym. Kung minsan nga, nga, kahit sa tulugan o higaan lang, maaaring gawin ito before bedtime o kaya naman pagbangon sa umaga.

Dalawa sa mga mabisang ehersisyo para sa mabisang pampapayat ng tiyan ang sit-ups at planking. Mag-sit-ups 50 beses na paulit-ulit bago matulog. Gawin ito uli sa umaga pagkagising bago gawin ang mga maghapon na aktibidades. Gawin ang planking kalahati hanggang isang minuto kasunod ng kada-set ng sit-ups mo. Mabisang pampapapayat din ang paglalalakad nang pabalik-balik 15-20 minuto araw-araw. Mas mabuti kung magkakaroon ka ng goal na 10,000 steps kada araw at tiyak ang pagpayat ng buong katawan.

Mansanas, green tea at itlog para sa flat abs

Napakaraming pagkainat inuming maaari mong subukan para sa mabisang pagpapayat. Gawing mong araw-araw na companion ang itlog, mansanas, at green tea. Tatlo ang mga ito sa mga pinaka-mabisa at madaling makababa ng timbang. Ang araw-araw na pagkain ng mansanas ay mainam na panlaban sa sakit. Nakakatulong din ito sa pagbabawas ng body fats sa katawan. Negative calores ang taglay ng prutas na ito kaya malabo ang tsansang madagdagan ang taba kahit pa sobrang dami ang makain.

Para naman sa pag-inom ng green tea. Ito ay makakatulong sa sa pagpapabilis ng metabolismo. Kung ang tao ay may mabilis na metabolismo, mapapabilis din ang pagtunaw ng anumang pagkain at inuming ikonsumo niya. Kumain ng itlog nang regular at tiyak na papayat. Ang taong kumakain ng itlog sa umaga ay hindi makakaramdam ng palaging gutom. Hindi rin niya nanaisin pang kumain nang madalas na puwedeng magdulot ng sobrang pagtaba.

The post Mga Paraan ng Mabisang Pampapayat first appeared on Mataba Ako!.

Mga Tips sa Pampaliit ng Braso

$
0
0

Kapag tumataba ang isang tao, isa sa mga unang tumataba sa kaniya ang kaniyang braso. Nabiro ka na ba ng “wow legs” ng asawa mo habang pinipisil ang braso mo? Hindi ba nakakapikon? Sa artikulong ito, madidiskubre mo na may mga simpleng paraan pala ng pampaliit ng braso.

Nasa itaas na parte ng katawan ang mga braso kaya unang-unang napapansin ang mga ito kapag tumataba. Tunay ngang halatang-halata kapag tumataba ang isang tao. Ganoon pa man, hindi dapat mawalan ng pag-asa. May mga epektibong paraang maaring gawin para sa pampaliit ng braso. Kapag naging epektibo, siguradong hindi mo na ikahihiya pa kahit kalian ang iyong katawan.

Madalas, ang pampaliit ng braso ay nadadaan lamang sa pag-e-exercise. May mga specific moves mula kamay hanggang sa braso para pumayat na ang mga braso. Ang kawaniwang pagtatrabaho lamang sa bahay ay isa nang epektibong uri ng workout. Maging ang paglilinis ng buong bahay at paglikom ng sinampay ay nakatutulong ng malaki para sa pagliit ng braso.

3 mahahalagang dapat gawin para sa pampaliit ng braso

  • Bantayan mo ang sariling food intake mo. Mahalagang determinado kang kumain ng tama. Kung gugunitain mo ang grade school days mo, naaalala mo ba ang ang go, grow, glow foods na itinuro sa iyo sa Science subject? Ito ay siguradong na makakatulong, maliban sa pampaliit ng braso, ay par ana rin sa pagpapapayat ng buong katawan.
  • Alamin ang mga ordinaryong pagkilos na kailangang gamitan ng kamay. Hindi mo alam, kadalasan, ang mga ito ay mga ehersisyo na pala na pampaliit ng braso. Isa sa mga pwede mong gawin bilang ehersisyo para sa braso mo ang arm circles. Ito ay garantisadong mabisang pampaliit ng braso. Kahit pa anong gagawin mong paggalaw, laging isaisip na pangunahing layunin mo ang lumiit ang mga braso mo, gumaan, at pumayat ang buong katawan.
  • Ugaliin ang madalas na paggalaw at pagpapaikot-ikot ng. Ito ay para mapabilis at mapadali ang daloy ng dugo sa buo mong katawan. At dahil ine-ehersisyo mo ang iyong braso ng regular, tiyak na hindi ito tataba.

Inuming natural para sa pampapayat at pampaliit ng braso

Kung hindi ka pa kuntento sa mga exercise na pampaliit ng braso na nabanggit dito, may iba pang paraan. Uminom ka ng mga pampapayat na gamot na gawa sa natural na sangkap. Masisiguro mong naturally made ang iinuming pampapayat ng braso sa pamamagitan ng pag-aaral mabuti tungkol sa mga nilalaman nito. Mas mainam na pampaliit ng braso ang mga inuming naglalaman at mataas ang fiber content. Kahit pa digestive system ang tinutulungan nito, nakapagpapaliit pa rin ito ng braso.

Nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito na ang braso ay sumusunod sa pagpayat at pagtaba ng katawan. Kung gusto mo ng isang specific o partikular na produktong pampaliit ng braso, subukan ang apple cider vinegar. Ito ay mabisa kung iinumin ng 2 beses sa isang araw, 15-30 minuto bago kumain. Huwag mag-alala sa pag-asim ng sikmura. Ito ay karaniwang iniinom nang may halo. Ihalo ang isang kutsara ng apple cider vinegar sa isang basong tubig. Lagyan ng isang kutsarang honey at inumin.

Marami nang nakapagpatunay sa bisa ng espesyal na sukang ito. Nakapagpapa-flat ng tiyan at tiyak na susunod din ang braso mo sa pagpayat. Alin man sa mga nabanggit ang gustong gawin, importante lang na tuloy-tuloy mo itong gagawin. Mahalaga ring determinado kang pumayat at iyun ang makahihikayat sa iyong gawin ang mga ito.

The post Mga Tips sa Pampaliit ng Braso first appeared on Mataba Ako!.

Mga Teknik sa Pampapayat ng Braso

$
0
0

Hindi mo ba masuot ang paborito mong sleeveless blouse dahil lumalaki na ang braso mo? Malamang matagal na ring nakatago sa baul ang spaghetti-strapped tops mo. Kung feeling hopeless ka na, don’t be, dahil may mga teknik naman para sa pampapayat ng braso. Hindi mo kailangang maging eksperto para malaman ang mga ito. Hindi rin kinakailangang maging hard core fitness buff para makasunod sa mga dapat gawin.

May mga pagkain at inuming puwedeng subukan para pumayat ang braso. Ngunit higit na mas mabisa ang mga ehersisyo para lumiit ang braso. Base sa mga pag-aaral, may tatlong bahagi ang katawan ng tao na madalas maimbakan ng sobrang taba. Ito ay ang balakang o puwet, hita, at braso. Hindi pa kasama rito ang tiyan. Sa mga nabanggit, unang napapansin ang braso dahil ito ay nasa itaas na bahagi ng katawan. Kaya naman ito ang unang-unang dapat paliitin.

Pagkain at bitaminang pampaliit ng braso

Malalaman mong malalaki ang mga braso ng isang tao tao sa pamamagitan ng kaniyang panananit. Siya ay madalas na naka-long-sleeved shirt o blouse kahit na mainit ang panahon. Hindi mo siya makikitang naka sleeveless, tube top, o spaghetti strap. Kung nakakarelate ka rito, worry no more! May mga ehersisyo kang puwedeng subukan para lumiiit ang braso mo.

Hindi mo kailangan ng mabibigat na dumbbells or barbells para sa pampaliit ng braso mo. Unahin lang ang healthy diet and everything else follows. Ano nga ba ang ibig sabihin ng healthy diet? Piliin lamang ang mga masusustansyang pagkain. Kung maaari, mas maraming prutas at gulay ang kainin araw-araw. Higit sa lahat, iwasan ang matatamis gaya ng tsokolate, ice cream at candiy. Ang mga ito ay mabilis makapagpalaki ng braso.

Siguraduhin ding kumonsumo ng tamang bitamina. Ang fish oil ay pinanggagalingan ng protinang kailangan ng katawan para buwagin ang pagbuo ng mga taba sa katawan. Nakapagpapalusog naman ng mga buto at muscles ang Calcium. Uminom ka ng gatas o bitaminang mayaman sa calcium at makatutulong ito sa muscles mo. Pag healthy ang muscles, madaling mapapapayat ang braso.Isa pang makakatulong na pampapayat ng braso ang Vitamin B. Tumutulong ang bitaminang ito sa pagbuwag ng unwanted fats sa katawan.

Physical activities para pumayat ang braso

Habang pina-praktis mo na ang healthy diet, sabayan ito ng ehersisyo para pumayat nang mabilis ang braso. May mga exercises na pwede mong gawin kahit anong oras at kahit saan ka kumportable. Halimbawa nalang ang tinatawag na ‘arm circle.’ Ito ay ang pag-iikot ng mga braso ng clockwise at counter clockwise nang paulit-ulit. Gawin ito ng mga 50 beses araw-araw.

Ang pagdapa at paglagay ng braso sa magkabilang side ay epektibo ring pampapayat ng braso. Ang tawag dito ay Plane Stretch. Ulitin nang 10 beses at tiyak na mababanat ang mga balat ng braso at papayat agad ito. Kung may dumbbell na, hawakan ito at gamit ang magkabilang kamay. Tumayo ng tuwid at iangat ang mga braso papunta sa harap. Gawin ito ng tuwid at diretso. Matapos ang 2 segundo, ibaba ang mga kamay. Ulitin ito ng 15 beses para sa mas mabisang resulta.

Gawin nang dire-diretso at matagal na panahon ang mga natutunan mong teknik sa pampapayat ng braso. Kapag sinunod mo ito, tiyak na papayat na ang braso mo. Ilabas na ang pinaka-sexy mong damit. Garantisadong tanggal na ang insecurities mo at hindi ka na tutuksuhin ng ‘wow legs’ ng asawa mo!

The post Mga Teknik sa Pampapayat ng Braso first appeared on Mataba Ako!.

Alam Mo Ba Kung Paano Magpaliit ng Tiyan?

$
0
0

Hirap ka bang kumilos at madaling hingalin dahil malaki ang iyong tiyan? Naghahanap ka ba ng mabisang paraan kung paano paliitin ito? Ang artikulong ito ay magbibigay saiyo ng kaalaman kung ano ang sanhi ng paglaki ng tiyan, paano pumayat ang tiyan ng mabilis, at ano ang mabisang pampapayat ng tiyan.

Ano ang sanhi ng paglaki ng tiyan?

Paano magpaliit ng tiyan? Bago natin ito talakayin, mahalagang malaman mo muna kung ano ang sanhi ng paglaki ng tiyan. Delikado ba ito para sa kalusugan? Ano-ano ang puwedeng masamang idulot ng pagkakaroon ng malaking tiyan ng isang tao?

Iba’t iba ang sanhi ng paglaki ng tiyan. Mayroong malaki ang tiyan dahil sa obesity o sobrang pagtaba (over weight), mayroon din namang may impeksyon sa tiyan katulad ng pagkakaroon ng bulate at iba pang internal parasites. Ngunit nangunguna sa rason kung bakit malaki ang tiyan ay ang kakulangan sa ehersisyo ng isang tao. Kapag limitado ang galaw ng katawan, bumabagal ang metabolismo nito kaya nahihirapan sa pagtunaw ng pagkain ang ating digestive system. Kung kaya ang hindi kaagad natutunaw na pagkain ay nagiging taba o fats partikular sa tiyan.

Alam mo bang mayroong masamang idinudulot ang paglaki ng tiyan na maaaring makaapekto sa pang araw-araw mong trabaho? Narito ang ilan sa mga karaniwang dinaranas ng taong malaki ang tiyan:

  • Nahihirapan dumumi o bihirang dumumi
  • Palaging ututin dahil sa hangin sa loob ng tiyan
  • Palaging puno ang tiyan o busog
  • Minsan ay nahihirapan huminga
  • Madalas hingalin at madaling mapagod
  • Mabigat ang katawan at mabagal maglakad
  • Kung minsan ay walang gana sa pagkain o kulang sa apetite

Ngayong malinaw na saiyo ang masamang epekto ng paglaki ng tiyan, alamin na natin kung paano mag paliit ng tiyan at ano ang mabisang paraan para paliitin ito. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Paano magpaliit ng tiyan: Mabisang pampapayat ng tiyan

Tinalakay sa unang bahagi ng artikulong ito ang masamang epekto ng paglaki ng tiyan. Kung ikaw ay kasalukuyang biktima ngayon ng pagkakaroon ng malaking tiyan, makakatulong saiyo ang mga ibibigay kong tips kung paano paliitin ito. Sundin lamang ng maayos ang mga sumusunod na ito:

Paliitin ang tiyan gamit ang wastong exercise:

  • Push-ups at sit ups – Malaki ang naitutulong ng dalawang exercise na ito sa pagpaliit ng tiyan. Ugaliin lamang ang pagsagawa nito tuwing umaga o kahit anong oras.
  • Bicycle – Tinatarget ng bicycle ang upper at lower abs, ang oblique muscles, at ang muscles sa likod. Humiga sa iyong likod at mag pedal sa ere ng nakaangat ang paa. Itaas ang isang balikat at umakma na aabutin ang opposite knee. Gawin ito ng pinapanatili ang lower back sa sahig.
  • Planking – Halos magkatulad ang posisyon ng push up at planking, magkakaiba lamang sa hakbang kung paano ito gagawin. Sa halip na ibaluktot ang braso at ibaba ang katawan, gawin ang push up position ng naka-extend ang iyong braso. I-hold ang posisyon sa loob ng tatlumpung segundo at unti-unting magdagdag ng 10 second bawat araw depende sa kaya mong gawin. Malaki rin ang maitutulong ng exercise na ito sa pagpaliit ng tiyan.
  • Pagtakbo o pag jogging – Ang pagpapawis dahil sa pagtakbo o pag jogging ay siyang sumusunog sa mga excess fats o sobrang taba ng katawan ng isang tao, at pangunahing benepisyo nito ang pagliit ng tiyan. Ugaliin lamang ang pag takbo o jogging tuwing umaga paggising.
  • Squats – Ang squats naman ay mabisa sa pagpapatibay ng iyong hita, binti, at balakang. Isa din ito sa mga pangunahing ehersisyo na nagbibigay sa atin ng isang magandang body figure dahil tumutulong itong bigyang hugis ang ating katawan at pagbabawas ng taba, lalong lalo na sa tiyan.

Mga Tips kung paano pumayat ang tiyan ng mabilis

Naiinip ka ba dahil matagal ang proseso sa pagpapaliit ng tiyan? Ganyan talaga, mahirap at kailangan ng matinding disiplina at determinasyon. Kabaliktaran ito ng pagpalaki ng tiyan kung saan ay madali, masarap, at walang kahirap-hirap. Para makatulong at magkaroon ng solusyon ang iyong problema, Naghanda ako ng mga tips kung paano pumayat ang iyong tiyan ng mabilis. Sundin lamang ang mga sumusunod na ito:

  • Uminom ng maraming tubig at magkaroon ng sapat na tulog araw-araw.
  • Huwag maging tamad! Tumulong sa mga gawaing bahay upang mabanat ang iyong katawan.
  • Iwasan ang pagtulog kaagad matapos kumain, sa halip ay tumayo at maglakad lakad ng ilang minuto.
  • Kung mayroong hagdan ang iyong bahay, gawing libangan ang pagakyat at pagbaba sa hagdan tuwing walang ginagawa.
  • Bawasan ang sukat ng iyong kinakain. Lalong lalo ang kanin o rice.
  • Maging aktibo sa sports. Ang paglalaro ng basketball, swimming, pagtakbo at iba pang physical activities ay makakatulong na mapabilis ang pagliit ng iyong tiyan.
  • Umiwas sa stress. Ayon sa pagaaral, isa sa pangunahing sanhi ng obesity lalo na sa mga kababaihan ay ang stress.
  • Iwasan ang maupo ng matagal. Kung ang iyong trabaho ay sa harap ng kompyuter at palaging nakaupo, ugaliin ang pag stretching tatlong beses sa isang araw.
  • Iwasan ang masasamang bisyo katulad ng paginom ng beer at alak.

Sundin lamang ang mga nabanggit na tips kasabay ng wastong exercise at tinitiyak ko saiyo na mapapabilis nito ang pagliit ng iyong tiyan.

Wastong diet: Epektibong paraan kung paano magpaliit ng tiyan!

Malaki ang epekto ng uri ng lifestyle meron ang isang tao pagdating sa kalusugan nito. Kaya masasabi kong ang wastong diet ang pinaka epektibong paraan sa pagpapaliit ng tiyan. Ang bagay na ito ay sinangayunan ng mga doktor at physical experts. Paano magpaliit ng tiyan? Kumain ng maraming gulay at prutas na mayaman sa fiber. Sabayan ito with proper exercise at talikuran na ang mga nakasanayang bad habits katulad ng paginom ng alak, paninigarilyo at pagpupuyat. Iwasan na rin ang pagkain ng mga masebo at matatabang pagkaing mayaman sa cholesterol. Sa halip ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina kagaya ng itlog, karne, mga isdang dagat katulad ng tuna, salmon, at mackerel. Maganda ang protina sa katawan ng tao lalong lalo na sa muscle development. Linalabanan ng protina ang fats o taba sa ating katawan at pinapalitan ito ng muscles.

The post Alam Mo Ba Kung Paano Magpaliit ng Tiyan? first appeared on Mataba Ako!.

Viewing all 304 articles
Browse latest View live