Quantcast
Channel: Mataba Ako!
Viewing all articles
Browse latest Browse all 304

Tamang pagkain – Kung ano ang kinakain mo-Yun ka

$
0
0

Isang katotohanan na ang mga pagkaing inihahain sa mga fastfood chains ay may mababang nutrisyon. Ang mamantika at labis na piniritong mga burger at fries ay walang lamang sustansiya. Hindi ito makakapagbigay sa iyo ng malakas na mga buto at kalamnan. Ang maibibigay nito ay hindi kinakailangang taba at marahil maging sakit sa puso. Upang maiwasan ang pagiging sobra sa timbang at pagkakaroon ng sakit sa puso o diabetes, iwasan ngayon ang mga pagkaing hindi nakalulusog. Kung ibig mo talaga ay ang kumain sa mga fastfood chains, tanggalin mo ang ganoong pag-uugali. Mas madali itong sabihin  kaysa gawin, siyempre, pero isipin mo ang kabutihan sa aiyong katawan kung wala ang mga pagkaing ito.

Siguruhin na kumain ng mga prutas at gulay araw-araw. Hindi lang ang iyong kinakain ang dapat mong bantayan, kahit ang iyong iniinom rin. Huwag mong lunurin ang sarili mo sa mga soda, carbonated drinks at mga latte o moccachino. Ang sobrang pag-inom ng carbonated drinks at caffeine ay hindi mabuti para sa katawan. Uminom ng maraming tubig hanggang sa iyong makakaya araw-araw. Mainam rin ang mga sariwang katas ng mga prutas. Kung gusto mong kumain ng karne, mas mabuting kumain ng karne ng manok at isda kaysa sa sobrang pagkain ng karne ng baka at baboy.

Kung gusto mong magsimulang kumain ng tama, walang mas mabuting panahon kundi ang pagsimula ngayon. Ilagay ang pagkaing masustansya sa iyong pang-araw-araw na menu. Malusog na humakbang patungo sa masasarap na pagkain at bagong mga lasa. Isaisip mo kung ano ang magiging tugon ng iyong katawan kung kumain ka ng tamang uri ng mga pagkain. Huwag kalimutan, kung ano ang kinakain mo-Yun ka.

The post Tamang pagkain – Kung ano ang kinakain mo-Yun ka appeared first on Mataba Ako! - Weight Loss Philippines.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 304

Trending Articles


NANLUMO


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Suspek sa pagkakasagasa sa mag-ama, kinasuhan na


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


KALIWA’T KANAN ANG ILIGAL NA PASUGALAN ‘DI MATINAG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


BUSABOS


SARILI


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


RTC Quezon City, Pasay City convict four employers for non-remittance of SSS...


Ina Raymundo, nilayasan ng asawa


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde


Tundo Man May Langit Din


SULASOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar