Quantcast
Channel: Mataba Ako!
Viewing all articles
Browse latest Browse all 304

Mga Dapat Mong Malaman Bago Uminom ng Gamot sa Rayuma

$
0
0

Ito ay pangkaraniwang sakit ng mga nagkakaedad na, masakit na balakang at mga kasukasuan. Rayuma ang tawag ng ilan. Ang iba naman ay artraytis daw. Ngunit rayuma man o artraytis, pareho itong nagpapahirap sa mga nakatatanda nating mga kababayan na dapat sana ay nag eenjoy sa kainilang mga taon ng pagreretiro at pamamahinga.

Sa edisyong ito, pag-uusapan natin ang mga sumusunod:

  • Ano ba ang rayuma?
  • Anu-ano ang mga sanhi ng rayuma?
  • Ano ba ang gamot sa rayuma?
  • Paano ba maiiwasan ag rayuma?

Ano ba ang rayuma?

Ang rayuma o rheumatism ay sakit na nakakaapekto sa sa mga kasukasuan (joints) at kalamnan (muscles). Ang mga doktor at syentista ay nagsasabi na may dalawang uri ng sakit na rheuma. Ito ay ang osteoarthritis (OA) at rheumatoid arthritis o (RA). Ano baa ng pagkakaiba ng dalawa?

Ang osteoarthritis

Ang osteoarthritis ay nakukuha sa panmamagitan ng tinatawag na wear and tear. Ang mga kalamnan at mga kasukasuan ay nagkakasakit ng rayuma dahil sa katagalang paggamit ng mga ito. Ito ay ang uri ng rayuma na nakukuha ng mga taong tumanda na sa pagbabanat ng buto. Ang osteoarthritis ay ang pagkasira ng tinatawag na mga cartilage o ang malambot na bagay na nakadikit sa dulo ng mga buto. Kapag ang mga ito ay napunit dahil sa katagalang paggamit, magiging mas mahirap na ang paggalaw ng mga buto kaya naman magiging mas masakit na ang pagkilos. Ito ay nakakaapekto sa mga bahagi ng katawan tulad ng tuhod, balakang, likod, leeg, mga daliri at paa.

Mga sintomas ng osteoarthritis

  • Sakit
  • Pamamaga
  • Mainit na pakiramdam sa apektadong bahagi
  • Mahirap igalaw

Ang panghihina ng mga kalamnan are maaaring magpahina rin sa iyong mga kasukasuan. Ang mga taong nakararanas ng osteoarthritis ay mahirapan sa paglalakad, paghawak ng mga bagay, pagsuot ng damit, pagsusuklay o pag-upo.

Paano ba malalaman kung ikaw ay may osteoarthritis?

Kung ikaw ay pinahihirapan ng ganitong uri ng mga sintomas, mas mainam na komnsulta na agad sa iyong doktor. Aalamin ng iyong doktor ang iyong medical history. Ikaw ay maaring sumailalim sa ilang proseso tulad ng physical examination, blood test o di kaya naman ay kumuha ng sample fluid sa apektadong kasukasuan. Ang pagsailalim sa X-ray examination ay magkukumpirma kung ikaw nga ay positibo sa osteoarthritis.

Ang rheumatoid arthritis

Ang rheumatoid arthritis ay pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan na dulot ng isang uri ng sakit sa immune system tulad ng Lupus. Ito ay maaaring maakapekto sa iaba pang organs sa katawan.

Mga sintomas ng rheumatoid arthritis o lupus

  • Pananakit ng mga kasukasuan
  • Matinding pagkahapo
  • Paninigas ng mga kasukasan
  • Pamamantal
  • Pagiging sinsitibo sa sikat ng araw
  • Paglalagas ng buhok
  • Pamumutla ng mga daliri sa kamay at paa kung nahahantad sa malamig na panahon
  • Pagkakaroon ng problema sa ibag organ tulad ng kidney
  • Pagkakaroon ng problema sa dgo tulad ng anemia o pagbaba ng wjite blood cells o platelets
  • Pananakit ng dibdib
  • Pangingisay o stroke

Paano ba malalaman kung ikaw ay may rheumatoid arthritis o lupus?

Kung ikaw ay pinahihirapan ng ganitong uri ng mga sintomas, pumunta na agad sa iyong doktor. Aalamin ng iyong doktor ang iyong medical history. Hihilingin ng doktor ikaw ay sumailalim sa ilang pagsusuri tulad ng physical examination, blood test o urine test. Ang isa sa mga pagsusuri sa dugo na maaring gawin sayo ay ang antinuclear antibody test o ANA. Karamihan sa may lupus ay positibo sa ANA. Ang ganitong uri ng rayuma ay ginagamot sa tulong ng mga espesyalista. Hindi ito maaaring isawalang bahala na lamang!

Ano ba ang gamot sa rayuma?

Kadalasan, ang rayuma ay isang pangmatagalang sakit (chronic disease). Kung ang rayuma na iyong dinaramdam ay dulot ng osteoarthritis, narito ang ilan sa mga maaari mong gawin para maibsan ang sakit na nararamdaman.

Pisikal na mga gawain

Ang isa sa pinakamabisang paraan upang maibsan ang epekto ng ganitong uri ng rayuma ay ang pag-eehersisyo. Dahil ang pag sasagawa ng tipikal na ehersisyo ay napakasakit kung ikaw ay may artraytis, ang paggalaw o pisikal na mga aktibidad ay maaari nang itring na ehersisyo. Ang mga pagaaaral ay nagsasabi na angpaglalakad-lakad ay nakatutulong na mabawasan ang sakit na nararanasan at mabawasan ang sobrang timbang. Ang pagpapalakas ng mga kalamnan sa palibot ng mga kasukasuan na apektado ng artraytis ay tiyak na makakababawas sa sakit. Sumangguni sa doktor kung ano ang ehersisyo na babagay sayong kalagayan.

Tamang pagkain

Sinasabing walang partikular na pagkain na nakagagamot sa rayuma. Subalit ang mga pagkaing matataba at mayaman sa uric acid ay nadiskubre na nakadaragdag sa sakit dahil sa pamamaga ng apektadong bahagi ng katawan. Ang mga pagkaing maprotina tulad ng monggo at sitaw ay nagpapalala din ng kalagayan ng mga taong may rayuma. Kaya kung alam mo na ikaw ay may ganitong uri ng sakit, ang pag-iwas sa ganitong uri ng pagkain ay makakatulong ng bahagya para maiwasan ang di kinakailangang pananakit ng kalamnan at kasukasuan. Iminumungkahi ng website na ito ang pagkain ng isda bilang source ng protina at pagkain ng maraming gulay. Makakakuha ka ng libreng mga recipe na angkop saiyong panlasa sa website ding ito.

Pagbawas ng timbang

Ang sobrang bigat ng katawan ay nakadaragdag lamang sa bigat na pinapasan ng apektadong kasukasuan, tulad ng sa balakang, tuhod, paa at likod.

Sapat na pahinga

Ang sapat na pahinga ay tumutulong para mabawasan ang pananakit at pamamaga ng mga kasukasuan na apektado ng rayuma. Ang pagtigil ng kaunti sa mga gawin ilang beses sa isang araw ay makatutulong para mabasan ang sakit at maprotektahan ang mga dugtungan ng buto sa mga apektadong bahagi ng katawan.

Mga gamot para sa sakit

Ang gamot sa sakit na dulot ng rayuma ay mabibili sa iba’t-ibang uri.

  1. Analgesic
  2. Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs)
  3. Corticosteroids
  4. Hyaluronic acid

Tandaan na sumangguni muna sa iyong doktor bago uminom ng gamot para sa rayuma. Ang paginom ng gamot tulad ng pain killers na hindi aprobado ng iyong doktor ay maaarig ikamatay ng pasyente. Ang naproxene, ibuprofen ay napatunayang lason sa kidney. Habang inaalis pansamantala ng naturang mga gamot ang sakit na dala ng rayuma, sinisira naman ng mga ito ang iyong mga bato kidney.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 304

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na